Love Horoscope, Oktubre 28, 2020

792

ARIES

Kung akala mo dito na lahat  nagtatapos ang lahat ng problema tungkol sa inyong pagsasama ay mali ka. Maaari medyo tahimik ito sa ngayon ngunit maging handa dahil anumang oras muli mong mararamdaman ang kaibahang kilos ng iyong kapareha.

Masuwerteng numero  6 & 43

TAURUS

Sabi laging nasa huli ang pagsisi. Tama dahil mararamdaman mo ngayon ito sa iyong sarili ang padalos-dalos na desisyon na iyong ginawa ng hindi muna pinag-iisipang mabuti mapagtanto mo dapat mong pinaiiral ang isipan bago ang iyong puso ng dika sana nasasaktan ng ganito.

Masuwerteng numero  19 & 37

GEMINI

Wag munang antayin ang pagbabalik ng taong nang-iwan at lumimot sa kanyang mga pangako. Mas makakabuti sayo ang maglibang at ituon ang puso at isip sa paglimot sa kanya at pilitin ang gumawa ng isang magandang simula kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Masuwerteng numero  1 & 51

CANCER

At kapareha ang magiging abala ngayon ng ilang mahahalagang bagay na may kinalaman sa trabaho o pinagkakakitaan. Ngunit sa kabila nito wag mangamba dahil maglalaan pa din siya ng oras at panahon para makasama ka.

Masuwerteng numero  23 & 30

LEO

Isang kaibigan ang magiging daan upang makilala ang panibagong pagibig. Kaya naman ang puso mong puno ng lumbay nitong nakaraan, ngayon ay magliliwanag na para bang bilog ang buwan sa kalangitan.

Masuwerteng numero  16 & 22

VIRGO

Kung dati sa telenobela mo lamang nakikita ang mga pagsubok na tila walang katapusan. Ngayon ay unti-unti mo itong mararamdaman, ang pag-ibig na akala mo at tunay at tapat ay para tuluyan ng magwawasak dahil sa mga tukso na pareho ninyong hindi mahihindian. Maging handa sa mas masakit na pangyayari na maaaring maganap.

Masuwerteng numero.  34 & 61

LIBRA

Kung ikaw ay mabigo na saktan ng labis at akala mong hindi kana makakabangon. Hindi, ito ay iyong buong akala lamang. Dahil darating sa buhay mo ang isang tao na handang ibigay sayo ang tunay at buong pusong pagmamahal na handa kang tanggapin sa anuman ang iyong nakaraan. Kaya naman ang Pagibig ay magiging makulay.

Masuwerteng numero  28 & 33

SCORPIO

Kung nararamdaman mong ang panlalamig ng iyong kapareha, ay wag itong ipangamba dala lamang itong ng subrang pag-iisip ang lahat ng ito ay agad ding lilipas

Masuwerteng numero  13 & 66

SAGITTARIUS

Dahil sa pandemiya na hinaharap ngayon ng buong mundo ay hindi din maiiwasang ang hirap ng buhay na maging sanhi na madalas ninyong hindi pagkakaunawaan. Kapit mas kailangan ninyo ang isat-isa upang ito ay malampasan.

Masuwerteng numero   21 & 50

 CAPRICORN

Ang buhay ay mapupuno ng kasiyahan ngayon dahil sa biglaan pagpaparamdan ng taong matagal ng wala kang balita. Kya naman ang biglaang pagkatangap ng mensahe sa kanya ay lubos mong ikakatuwa.

Masuwerteng numero 7 & 17

AQUARIUS

Dahil sa labis mong pangungulila sa taong mahal na malayo sa iyo ay hindi mo maiiwasan ang lubrang makakaramdam ng kalungkutan. Ngunit wag mag-alala dahil ikaw lamang din ang kanyang iniisip at inaasam na makakasamang muli.

Masuwerteng numero 29 & 61

PISCES

Sa wagas ay makikita muna din ngayon ang resulta sa lahat ng iyong pagtitiis at sakrepisyo sa iyong pamilya lahat ng hirap at pagod ay mapapalitan ng ligaya dahil sa wakas ay nakikita mo ang bunga ng lahat ng mga ito.

Masuwerteng numero   39 & 44

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here