Love Horoscope Oktubre 26, 2021

461

ARIES

Hindi magiging maligaya ang araw nyo ng iyong mahal dahil sa iyong tantrums. Sa araw na ito ay para kang batang magmamaktol dahil hindi napagbigyan sa kanyang gusto. Dapat mo itong alisin sa iyong pag-uugali.

Masuwerteng numero; 7 & 12

TAURUS

Dapat kang maging maingat sa mga taong makakausap mo dahil isa sa kanila ang magkakaroon ng lakas ng loob na siraan mismo sa’yo ang iyong karelasyon. Posibleng maapektuhan kung agad paniniwalaan ang kanyang kuwento.

Masuwerteng numero; 39 & 48

GEMINI

Wala kang damdamin o mararamdaman sa isang tao na labis ang paghanga sa’yo. Gayunpaman, may malambot kang puso para sa kanya. Maa-appreciate mo ang kanyang effort para lang mapasaya ka sa gitna ng krisis.

Masuwerteng numero; 17 & 23

CANCER

Madaling sabihin na ayaw mo na sa kanya pero sa oras na muli mo siyang makita ngayong araw na ito ay hindi mo maiintindihan ang iyong mararamdaman. May kung anong kakaibang pintig sa puso ang muli mong madarama.

Masuwerteng numero; 10 & 20

LEO

 Medyo mahaba-haba pa ang lalakbayin ng inyong relasyon para masabi mo na matatag na ito at wala ng makabubuwag. Pero wala kang pakialam kung gaano man kahaba ang ipaghihintay nyo pa basta masaya kayo ngayon.

Masuwerteng numero; 15 & 19

VIRGO

Isang kaibigan ang magpapagulo sa relasyon nyo ngayon ng iyong kinakasama. Dahil sa kanyang hindi magandang salita at aksyon ay magiging palaisipan sa’yo ang tunay niyang intensyon sa inyong magkarelasyon.

Masuwerteng numero; 53 & 63

LIBRA

Hindi magiging madali para sa’yo at sa kanya na mag-iba ng landas at ibahin ang nakasanayan na sa inyong pagsasama. Pero gusto mo pa ring subukan. Ang magiging problema mo ay hindi mo siya makukumbinsi na makiisa.

Masuwerteng numero; 25 & 32

SCORPIO

Hindi ka na baguhan pagdating sa pakikipagrelasyon. Kahit papa’no ay may idea ka na kung paano ang dapat mong maging gawi at ang pasikot sikot nito. At alam mo na, na sa bawat relasyon ay palagi kang merong matututunan.

Masuwerteng numero; 2 & 4

SAGITTARIUS

Hindi na uso ngayon ang mga martir sa relasyon kaya naman ipapakita mo sa iyong kapareha na dapat ay maging pantay kayo sa lahat ng karapatan pagdating sa inyong pagsasama. Walang makakalamang at walang madedehado.

Masuwerteng numero; 10 & 21

CAPRICORN

Sa sobrang pagbibigay mo sa iyong karelasyon ay mamimihasa siya. Ikaw din ang mahihirapan ngayon sa pagsuheto sa kanya. Wala kang ibang dapat sisihin kung bakit siya nagkaganyan dahil masyado mo siyang ini-spoiled.

Masuwerteng numero; 16 & 18

AQUARIUS

Maaaliw ka ngayon sa iyong kapareha. Kakaiba ang gagawin niyang pagpapasaya sa’yo. Dahil dito ay lalo mo siyang mamahalin. Dahil din dito kaya hindi mo masyadong mararamdaman ang hirap ng sitwasyon nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 40 & 43

PISCES

Ikaw ang tipo ng tao na kapag nagmahal ay all the way. Kahit walang matira para sa sarili mo basta masiguro mo lang na naibibigay mo ang lahat para sa kanya. Dahil diyan ay makakatanggap ka ng reward mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 56 & 76

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here