Love Horoscope Oktubre 25, 2021

432

ARIES

labis ninyong mahal ang isa’t-isa kaya naman hindi nyo masyadong pinapansin ang sinasabi ng iba tungkol sa uri ng relasyon meron kayo. Gayunpaman hindi mo maiiwasan na hindi masaktan sa mga maririnig mo. Maging matatag at positibo.

Masuwerteng numero; 56 & 58

TAURUS

Isang mabigat na desisyon ang gagawin mo sa araw na ito. Naniniwala kang ito ang makakabuti para sa inyong dalawa. Kaya naman hindi ka magpapapigil kahit na kanino pa man at kahit pa mismo ang iyong kapareha ay walang magagawa.

Masuwerteng numero; 9 & 12

GEMINI

Kahit pa wala kang intensyon na saktan siya ay ito pa rin ang mangyayari. Pero sa araw na ito ay may mga tao na makikialam at mamamagitan sa inyong dalawa kaya naman kahit papa’no ay magkakaroon ka ng pag-asa na magkakaayos pa kayo.

Masuwerteng numero; 15 & 20

CANCER

Masuwerte ka dahil merong isang tao na naniniwala at  sa’yo ay nagmamahal at laging nakasuporta sa lahat ng nais mong gawin sa buhay. Kaya naman sa halip na magreklamo at maghanap ng butas sa inyong pagsasama ay suklian mo na lang ang pagmamahal niya.

Masuwerteng numero; 4 & 28

LEO

Hindi pa ito ang tamang panahon para iwan mo siya. Ngayon ka niya higit na kailangan. Sa araw na ito ay mararamdaman mo ang labis na paghihirap ng loob niya dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 7 & 18

VIRGO

Mabibigo ka lang kung ipipilit mo sa iyong asawa ang nais mong mangyari. Ngayong araw ay makakausap mo siya ng masinsinan tungkol sa usaping lagi ninyong pinagtatalunan subalit paninindigan pa rin niya ang kanyang opinyon.

Masuwerteng numero; 16 & 26

LIBRA

Kahit papa’no ay aaliwalas ang araw ninyong magkapareha. Pansamantala ninyong makakalimutan ang mga stress na nagpapahirap sa inyo sa araw-araw dahil sa isang bagong libangan na inyong matutuklasan.

Masuwerteng numero; 43 & 54

SCORPIO

Alam mong hindi sapat ang sorry o paghingi mo ng tawad para mawala ang sama ng loob niya sa’yo. Kaya naman ngayong araw ay mag-iisip ka ng magandang effort na agad-agad magpapasilay ng kanyang ngiti.

Masuwerteng numero; 64 & 69

SAGITTARIUS

Hindi mo kailanman naisip na magiging masaya ang bonding ninyong magkarelasyon sa loob ng kusina. Ang bagong recipe na iyong matututunan ang siyang magiging daan para sa inyong muling pagkakalapit nang higit pa sa iyong inaasahan.

Masuwerteng numero; 11 & 19

CAPRICORN

Ito na ang tamang panahon para bumitaw ka sa inyong relasyon na sa palagay mo ay hindi na nagwo-work. Subalit hindi mo pa rin magagawa. Marami kang isinasaalang-alang na maaapektuhan kung kayo ay maghihiwalay.

Masuwerteng numero; 40 & 50

AQUARIUS

Sa wakas ay maa-appreciate rin niya ang mga efforts mo sa araw-araw para lamang sa kanyang ikasisiya at ikabubuti. Ang simple niyang pagpapasalamat ay sapat na upang maramdaman mo ang kanyang pagmamahal.

Masuwerteng numero; 10 & 13

PISCES

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo pa rin siya maaalis sa iyong isipan. Ngayong araw ay lalo mo siyang maiisip dahil sa mga bagay na makikita mo na magpapaalala sa’yo sa inyong nakaraan na gusto mo na sanang kalimutan.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here