Love Horoscope Oktubre 21 2020

940

ARIES

Mas magkakaroon ka ng kapanatagan ngayon kisa mga nakaraan. Ang dala ng simoy ng hangin ngayon ay nagpapahiwatig ng isang panalo. Ang taong nais mong mapapasaiyo ay magtatapat ng kanyang damdamin ngayon. Isa itong surprisa dahil  nitong nakaraan ay ni halos ayaw ka man lang niyang sulyapan.

Masuwerteng numero 7 & 18

TAURUS

Sa wakas ay makukuha mo din ang atensyon ng isang kasama sa trabaho na matagal munang lihim na hinahangaan. Ito ang panahon na hindi ka lamang mapapakindat sa galing niyang manamit  lalapitan at kakausapin ka pa niya, kaya naman mapupuno ng kilig ang iyong buong araw.

Masuwerteng numero 15& 18

GEMINI

 Kung kayo ng iyong partner ay puro bangayan ang nangyayari noong nakaraan. Ngayon ay mas maari itong lumala kaya naman pag-usapan ang dapat pag-usapan at ayusin ang dapat ayusin bago mauwi ang lahat sa hiwalayan.

Masuwerteng numero: 46 & 54

CANCER

Ang enerhiya ng araw ay maaaring magdala para sa isang tiyak na relasyon sa wakas magiging maayos ang hindi pagkakaunawan.  . Ang iyong ugali ng pagkukunwari na ikaw ay interesado sa lahat maliban sa ang isa na mahalagang bagay ay maaaring sa maglaho ngayon kapag patuloy kang magmamatigas sa pamamagitan ng isang damdamin, oo – isang pakiramdam. na dapat hindi mo inililihim sa iyong mahal kung ayaw mong tuluyan siyang mawala

Masuwerteng numero: 10 & 49

LEO

Kung ang iyong kapareha na parang nagiging isang batang spoiled. Ito ay maaaring dahil sa enerhiya ng araw ngayon. Kahit na hindi ito nagiging maganda para sayo. Wag mag-alala ito ay agad ding lilipas at babalik sa normal ang lahat.

Masuwerteng numero 30 51

VIRGO

Ngayon ay kailangan mong manatiling cool, kalmado at misteryoso kung talagang nais mong masabi ang lahat ng nilalaman ng iyong puso at isipan lalo na kung ikaw ay upset sa iyong kapareha. Kailangan mong maging mahinaon tungkol dito at pag-usapan ang iyong damdamin upang pareho ninyong maunawaan ang isat-isa

Masuwerteng numero 4&5

LIBRA

Ang Pag-iibigan ay nagsasabi na kailangan mong maging magpasensya ngayon may ilang mga  hindi pagkakaunawaan ang maaring mangyari at kailangan mong pakinggan ang kanyang panig. Iwasan ang magsalita ng hindi maganda sa halip ay unawain siya upang hindi na ito lumala pa.

Masuwerteng numero 24& 25

SCORPIO

Ikaw at ang iyong kapareha ay maaaring malagay sa isang mahirap na desisyon ngayon tungkol sa trabaho o negosyo. Kailangan ninyong manatiling natatag kisa parehong maging mapagmataas at alamin ninyo ang dapat gawin upang agad itong maaayos.

Masuwerteng numero 22 & 28

SAGITTARIUS

Maaaring maging irritable ang araw na ito. Ang tugmang mga ideya ay hindi papasok sa iyong isipan ngayon. Kaya naman magiging mainit ang iyong ulo sa buong maghapon. Salamat sa iyong mahal na laging nariyan upang ikaw ay damayan.

Masuwerteng numero :15 & 32

CAPRICORN

Maging maingat ngayon na hindi ka makapag-inis ng sinuman sa iyong paligid kahit pa ang iyong mahal. Iwasan ang mga salitang hindi maganda sa halip ay ituon ang sarili sa pagluluto ng masarap para pagsaludahan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero :7 & 14

AQUARIUS

Sa wakas ay mararanasan mo ulit ang mga positibong takbo. Paukol sa isang taong matagal munang pinapangarap. Makikita mo ang unti-unti paglalapit ng kanyang kaluoban sayo. Kaya naman labis mo itong ikakatuwa.

Masuwerteng numero :34 & 48

PISCES

Ang araw na ito ay hindi magiging maganda para sayo maging mainit ang ulo mo sa buong maghapon dahil sa labis na inis sa iyong kapareha na tila walang pakialam. Ngunit ito ay itatago mo lang sa iyong sarili at patuloy siyang pagsisilbihan na may ngiti sa labi. Masuwerteng numero 25 & 35

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here