Love Horoscope; Oktubre 1

177

ARIES

Hindi mo na magagawang itago ang tunay mong nararamdaman sa isang tao. Ipagkakanulo ka ng iyong mga mata at sa sarili mong bibig lalabas ang saloobin mo sa kanya. Makakaramdam ka ng kaba kung ano ang magiging tugon niya rito.

Masuwerteng numero; 24 & 27

TAURUS

Tulad ng dati ay mananatili ka pa ring deadma sa kanya. Kakausapin ka lang niya kapag may kailangan siya sa’yo. Wala siyang panahon sa kanyang buhay pag-ibig dahil mas nakapokus siya ngayon sa kanyang career.

Masuwerteng numero; 30 & 31

GEMINI

Hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka sa paraang gusto mo. Subalit malaya kang patuloy na maipakita sa kanya ang kabutihan ng iyong loob. Darating ang araw na maa-appreciate rin niya ang effort mo.

Masuwerteng numero; 11 & 13

CANCER

Huwag kang magsawa sa pag-intindi sa iyong kapareha. Lalo na sa panahong ito na ikaw lamang ang nakikita niyang pag-asa. Balang araw ay makikita mo ang magandang resulta ng pananatili mo sa kanyang tabi.

Masuwerteng numero; 50 & 60

LEO

Hindi mo pa makikita sa ngayon ang pag-ibig na hinahanap mo dahil hindi mo naman ito binibigyan ng panahon na hanapin. Tama lang iyon dahil hindi mo naman talaga ito kailangang hanapin sapagkat kusa itong darating.

Masuwerteng numero; 4 & 19

VIRGO

Maraming beses mo ng pinagbigyan sa kanyang mga pagkakamali ang iyong kapareha. Subalit sa pagkakataong ito ay tuluyan ng mawawala ang tiwala mo sa kanya. Ikaw na ang kusang magpapasya na lumayo.

Masuwerteng numero; 5 & 15

LIBRA

Huwag kang magtanga-tangahan dahil hindi ka naman talaga ganoon. Gamitin mo rin ang katalinuhan mo maging sa pagpili ng mamahalin. Iwasan mo na hangga’t maaga ang tao na alam mong hindi para sa’yo.

Masuwerteng numero; 8 & 18

SCORPIO

Hindi mo inaasahan na makakaramdam ka ng kilig sa isang dating kasamahan sa trabaho. Sa muli ninyong pagkikita ay mapapansin mo ang malaking pinagbago ng kanyang hitsura at maging ng pag-uugali.

Masuwerteng numero; 24 & 25

SAGITTARIUS

Wala kang kamalay-malay na labis na pala ang selos na nararamdaman ng iyong mahal sa inyong kaibigan na madalas mong nakakasama. May pagkakataon ka para ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi siya dapat magselos.

Masuwerteng numero; 51 & 62

CAPRICORN

Mahihirapan kang tanggapin ang kanyang paglayo pero wala naman kayong ibang mapagpipilian. Kakailanganin talaga niyang pansamantalang lumayo sa’yo upang maayos ang mga dapat ninyong ayusin.

Masuwerteng numero; 58 & 65

AQUARIUS

Labag sa iyong kalooban ang makapanakit ng damdamin ng iba. Pero hindi mo naman siya maaaring pagbigyan sa kanyang kagustuhan dahil lalo lamang siyang masasaktan kung papaniwalain mo siyang mahal mo siya.

Masuwerteng numero; 74 & 78

PISCES

May makakalimutan kang pangako sa iyong mahal ngayong araw na ito. Hindi mo ito mabibigyan ng katuparan sa ngayon dahil sa labis mong kaabalahan sa iyong negosyo kaya iisipin mong bumawi sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 16 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here