Love Horoscope, Nobyembre 7, 2020

2638

ARIES

May bagong magpapatibok ng iyong puso isang taong matalino at talentado,pero magiging tikom ang iyong bibig dito dahil alam mong kahit gaano pa kalaki ang pagnanais  mo sa kanya sa hindi na siya puwede.

Masuwerteng numero. 31 & 55

TAURUS

Sa araw na ito ay masisira mo ang pangako ay tutuldukan mo ang iyong naipangako mo sa iyong puso na hinding hindi na muling magmahal pa. Dahil sa muling pagkakataon ang mararamdaman mo ang kakaibang dadamin. Hindi mapigil ang iyong sarili na muling magmahal.

Masuwerteng numero. 19 & 37

GEMINI

Isang panibagong kamalian ang maaari mong magawa ngayon na magiging dahilan sa isang gusot sa pagitan ninyong magkapareha. Kahit na anu ang paliwanag mo ay magiging bingi siya rito. Pakiwari niya kasi pareho – pareho ang dahilan mo sa mga nagdaang kamalian na iyong mga nagawa.

Masuwerteng numero. 3 & 56

CANCER

Ngayong araw ay lubusang mong madama ang init ng kanyang pagmamahal na kahit ikaw man ay magugulat sa gagawin niyang effort upang ipakita at ipadama sayo ang tamis at init ng kanyang pagmamahal.

Masuwerteng numero 28 & 40

LEO

Dahil sa labis mong kasiyahan sa kanyang pag babalik, ay makakalimutan mo ang ipinangako mo sa iyong sarili na hindi na masyadong maniwala sa lahat ng kanyang mga sasabihin.Dahil kabaligtaran ang mangyayari lahat ng kanyang sasabihing dahilan at siya mong paniniwalaan.

Masureteng Numero 12 & 61

VIRGO

Kaano ka man kaabala sa iyong trabaho ay magagawa mo pa ding malaan ng sapat na oras para sa iyong mahal. kaya naman ay hindi mo lubos mauunawaan kung bakit siya itong walang trabaho ay siya pa ang walang oras sayo.

Masuwerteng numero: 33 & 36

LIBRA

Labis ang magiging tuwa mo sa gagawing effort ng iyong mahal hindi lamang para sayo kundi pati na din sa iyong pamilya. Kaya naman labis mo itong ipagpasalamat na kahit nabigo ka sa nakaraang pag-ibig at jackpot ka naman ngayon sa kanya.

Masuwerteng numero. 17 & 62

SCORPIO

Medyo  mahaba-haba ding panahon na tila hindi na ninyo nasosolo ang isat-isa kaya naman sasamantalahin ninyon ang pagkakataong ito para makapag-usap ng masinsinan at ipadama ang pagmamahal sa isat-isa.

Masuwerteng numero.4 & 30

SAGITTARIUS

Isang taong ang maaaring mong masaktan dahil sa pakiwari niya ay pinapaasa mo lamang siya na mabibigay mo din sa kanya ang iyong matamis na oo. Ilang buwan ka din niyang sinusuyo ngunit tila manhid ka pa din dito.

Masurteng numero. 38 & 59

CAPRICORN

Pagsisisihan mo kung bakit ka nagtiwala sa kanya ng subra. Ang akala mo kasi ay  totoo at seryoso siya sa lahat ng kanyang mga sinasabi Ngayon ay mapapatunayan muna dala lamang iyong ng matatamis niyang mga dila.

Masuerteng numero. 7 & 21

AQUARIUS

Sa kabila ng mga bali-balitang may nililigawan na siyang iba ay dikana nagtataka o masasaktan man lang dahil ikaw man ay nais na siyang pakawalan na tuluyan at ngayon ay binigyan ka na niya ng sapat na dahilan upang gawin ito . 43 & 48

PISCES

Kahit na hindi niya deritsahang sabihin sayo ay makikita mo sa kanyang pananalita at mga kilos na pinapahalagahan ka niya higit pa sa isang kaibigan kaya naman labis ang tuwa na iyong nararamdaman. 26 & 34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here