Love Horoscope Nobyembre 30, 2022

ARIES

Hindi ka lang basta mahuhulog sa kanyang bitag kundi ang buong kalooban mo ay mahuhulog din sa kanya. Sa iyong buhay ay magkakaroon ng katotohanan ang kasabihang ‘the more you hate, the more you love’.

Masuwerteng numero; 4 & 8

TAURUS

Sa sobrang laki ng tiwala mo sa kanya ay hindi pumapasok sa isip mo ang ni katiting na pagdududa. Kaya naman maluwag niyang nagagawa ang anumang naisin niya. Subalit sa araw na ito ay mapapaisip ka kung wala nga bang mali.

Masuwerteng numero; 15 & 27

GEMINI

May maganda kang magagawa para sa kanya kaya naman sa wakas ay matutuon din ang pansin niya sa’yo. Natural lamang na kiligin ka. Gayunpaman, alam mo na panandalian lamang ito at hindi rin magtatagal.

Masuwerteng numero; 16 & 20

CANCER

Ang lahat ay kaya mong gawin para sa taong minamahal mo. Kahit pa magmukha kang tanga sa paningin ng iba tulad ng nakatakdang kaganapan ngayong araw. Handa mong tiisin ang kahit na anong sitwasyon para sa kanya.

Masuwerteng numero; 7 & 17

LEO

Ikatutuwa mo ang labis na pag-aalala sa’yo ng iyong mahal. Alam mong nahihirapan na rin siya sa kanyang kalagayan pero ikaw pa rin ang inaalala niya at araw-araw mo itong mararamdaman mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 45 & 55

VIRGO

Huwag kang magtaka kung may tao na labis ang maging paghanga sa’yo. May angkin kang karisma at kusang lumalabas ang kabutihan ng iyong loob sa mga oras ng kagipitan kaya hindi niya maiiwasan na humanga sa’yo.

Masuwerteng numero; 69 & 77

LIBRA

Hindi pa ngayong araw matutuldukan ang pagtitiis mo sa piling niya. Subalit darating din ito sa tamang panahon. Sa ngayon ay wala pa ring mababago sa inyong pagsasama at ganoon pa rin ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 14 & 20

SCORPIO

Hindi mo masisisi ang iyong kapareha kung lumalayo man ang kalooban niya sa’yo. Ikaw mismo ang nagtutulak sa kanya palayo dahil sa iyong mga ginagawa. Kaya naman unti-unti ay gagawin niya ang pagdistansya.

Masuwerteng numero; 51 & 62

SAGITTARIUS

Sa kabila ng kanyang mga pagkakamali ay mananatili pa ring siya ang prayoridad mo sa buhay. Ang kapakanan pa rin niya ang lagi mong iisipin. Ngayong araw ay mare-realize mo na may mali sa paraan mo ng pagmamahal sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 43

CAPRICORN

Hindi lang panahon ang nagbabago, maging ang tao rin. Tulad mo, kung dati ay labis kang nahuhumaling sa kanya, ngayon ay makakaramdam ka ng pagkatabang at tila panlalamig sa pagsasama ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 11 & 12

AQUARIUS

Kung nabigo ka sa pag-ibig noon, ngayon ay isang magandang pagkakataon naman ang ibibigay sa’yo ng Diyos para magmahal muli. Bagamat hindi ka pa sigurado sa kanya ay hindi mo naman maikakaila ang kasiyahang hatid niya sa puso mo.

Masuwerteng numero; 6 & 9

PISCES

Malilito ka kung sino sa dalawang tao na parehong may pitak sa puso mo ang dapat mong piliin. Ayaw mong magkamali ng pagpili sa kanila kaya naman pag-iisipan mong mabuti kung sino sa kanila ang karapat dapat para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4 & 5