Love Horoscope, Nobyembre 29, 2020

890

ARIES

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip na ayusin pa ang relasyon ninyong nasira na. Kahit mahal mo pa siya ay may pangamba ka na kung hindi ka pa bibitaw ay baka paulit-ulit lang ang maging eksena nyo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 16 & 17

TAURUS

Alam mo kung ano ang pinagdadaanan ng iyong mahal kaya naman mananatili kang nakaalalay sa kanya. Kahit pa paminsan minsan ay napapagod ka na rin sa inyong relasyon ay hindi mo pa rin siya magagawang bitawan.

Masuwerteng numero; 25 & 27

GEMINI

Sa kabila ng inyong mga pagkakaiba at hindi pagkakasundo ay mananatili ninyong mahal ang isa’t-isa. Pero tulad ng dati, ikaw pa rin ang mauunang gumawa ng effort  para palagi kayong maging maayos sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 32 & 34

CANCER

May magandang diskarte kang maiisip para makaraos sa araw-araw. Maitatawid mo ang isang araw na ito para sa iyong pamilya. Ganito rin ang balak mong gawin para sa mga susunod pang araw na alam mong magiging mahirap para sa inyo n g iyong kapareha.

Masuwerteng numero; 30 & 40

LEO

Wala kang hindi kakayanin para sa iyong mahal. Anuman ang pinagdadaanan nyo ngayon ay matapang mong haharapin para sa kanya. Lahat ng alam mong paraan para malampasan nyo ang pagsubok ay gagawin mo.

Masuwerteng numero; 11 & 13

VIRGO

Magiging malambot ngayon ang puso mo sa iyong karelasyon kahit pa ikinainis mo ng todo ang mga naging asal niya nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos ng nakakapagod na umaga ay kayo pa rin ang magsasama sa gabi.

Masuwerteng numero; 5 & 12

LIBRA

Malalagay ka sa alanganin kaya naman magiging mabilisan lang ang iyong pagpapasya. Kahit pa alam mo na ikagagalit niya ito ay gagawin mo pa rin. Saka mo na lamang gagawan ng paraan ang galit ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 35 & 40

SCORPIO

Hindi maiibsan ng pag-uusap nyo sa cellphone at sa interner ang pagkamiss mo sa kanya. Patuloy kang makakaramdam ng kalungkutan at pangungulila. Pero wala kang magagawa at hindi mo mababago ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 5 & 9

SAGITTARIUS

Ikaw ang higit na nakakakilala sa iyong asawa. Alam mo na kapag may ginusto siya ay gagawin niya ang lahat para makuha o para magawa ito kaya naman mahihirapan ka na pasunurin siya sa kagustuhan mo kahit pa ito ay sa ikabubuti niya.

Masuwerteng numero; 18 & 20

CAPRICORN

Malaki ang magagawa mo para muling mabuo ang nasira ninyong relasyon. Kailangan mo lang na ibaba ang mataas mong pride. Sa oras na ibaba mo ito ay magkakaroon kayo ng pagkakataon na magkausap at magkaayos.

Masuwerteng numero; 10 & 28

AQUARIUS

Sa kabila ng hindi magandang pangyayari sa labas ay magiging maganda ang araw nyo ng iyong kapareha. May magandang bonding kayong magagawa na ikalilibang nyo sa buong maghapon hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 24 & 33

PISCES

Walang mawawala sa’yo kung pagbibigyan mo ang hiling ng iyong mahal. Tutal naman ay palagi ka rin niyang pinagbibigyan sa iyong mga kahilingan. Magandang pagkakataon ito para masuklian mo ang kanyang kabutihan.

Masuwerteng numero; 10 & 24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here