Love Horoscope, Nobyembre 28, 2020

784

ARIES

Hindi pa rin matutuloy ang balak nyong out of town ng iyong mahal dahil sa sitwasyon ng bansa. Kaya naman ang inyong celebration ay sa bahay nyo na lang muna gaganapin at pag-iisipan na lang ito ng twist na makapagpapasaya sa inyo.

Masuwerteng numero; 11 & 23

TAURUS

Palagi mong kakampi sa anumang sitwasyon at pagkakataon ang iyong mahal. Subalit sa araw na ito ay hindi niya sasang-ayunan ang iyong opinyon. Ikakagulat mo ito dahil ito ang unang pagkakataon na kokontra siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 64 & 68

GEMINI

Madudulas ka sa iyong mahal kaya malalaman niya ang hindi niya dapat malaman. Mahihirapan kang magpaliwanag sa kanya kaya mawawalan ka ng pagpipilian kundi ipagtapat sa kanya ang totoo sa inililihim mo.

Masuwerteng numero; 35 & 41

CANCER

May maiisip kang paraan para mapalapit ka sa kanya. Gagawin mo ito alang-alang sa pag-ibig. Kahit pa may duda ka at pagdadalawang isip sa sarili mong plano ay susubukan mo pa rin kaysa magsisi ka na hindi mo ito ginawa.

Masuwerteng numero; 34 & 46

LEO

Ilang beses mo ng pinag-isipan. Pero sa tuwing kausap mo na siya ay agad nagbabago ang isip mo para sabihin sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Mahihirapan ka na ring itago ito kaya posibleng masabi mo na ito ngayon.

Masuwerteng numero; 8 & 9

VIRGO

Hindi ka magpapatalo sa iyong kapartner sa buhay pagdating sa diskarte. Ipapamukha mo sa kanya ngayon na sisiw ang mga diskarte niya sa’yo. Mas marami kang alam para matugunan ang inyong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 10 & 13

LIBRA

Age doesn’t matter ang drama mo ngayon kaya naman wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung malayo man ang edad sa’yo ng bago mong karelasyon. Kayong dalawa na lang ang siyang magkakaintindihan.

Masuwerteng numero; 24 & 26

SCORPIO

Makakalimutan mo ang mahalagang okasyon nyo ng iyong mahal kaya naman inaasahan mo na ang pagtatampo niya. Pero masosorpresa ka dahil walang bahid ng pagtatampo sa kanya sa oras na makausap mo siya.

Masuwerteng numero; 46 & 53

SAGITTARIUS

Mapapangiti ka sa mga mababasa mo sa social media tungkol sa tao na lihim mong itinatangi. Ang  madalas niyang pagiging kwela ay swak na swak sa puso mo pero alam mo na hindi ka maaaring magtapat sa kanya.

Masuwerteng numero; 5 & 7

CAPRICORN

Break up ang kahahantungan ng inyong relasyon ngayon. Ito ay dahil sa nagiging madalas ninyong pagtatalo na lalala pa ngayong araw. Hindi mo na maiintindihan ang mga hugot at drama niya kaya bibitaw ka na lang.

Masuwerteng numero; 6 & 18

AQUARIUS

Hindi mo mami-meet ang standard ng taong gustong gusto mo. Masyadong mataas ang standard niya para sa tao na kanyang mamahalin kaya naman makukuntento ka na lang sa ngayon na maging tagahanga niya.

Masuwerteng numero; 16 & 27

PISCES

Ngayong araw ay muli kayong mabibigyan ng pagkakataon ng iyong mahal na ayusin ang problema nyo sa isa’t-isa. Para ito sa ikakabuti ng inyong relasyon kaya hindi ka magdadalawang isip na subukan kahit pa tila meron siyang alinlangan.

Masuwerteng numero; 15 & 20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here