Love Horoscope, Nobyembre 26, 2020

745

ARIES

Hindi papabor ang araw na ito sa inyong pagsasama. Kahit maliit na bagay ay pagtatalunan nyo. Mas makakabuti kung pansamantala kayong didistansya sa isa’t-isa hanggang sa matapos lang ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 44 & 66

TAURUS

Malaki pa ang pag-asa mo na mapansin ka niya.Ipagpatuloy mo lang ang iyong ginagawa lalo na ang kabutihang ipinapakita mo sa kanya dahil ito ang maglalapit sa’yo sa kanya. Magandang araw ito para magpakitang gilas.

Masuwerteng numero; 6 & 9

GEMINI

Hindi mahalaga sa’yo ang sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga sa’yo ay kung ano ang magiging tingin sa’yo ng iyong kapareha. Kung ano ang sasabihin at opinyon niya. Kaya naman gagawin mo ang alam mong ikakasaya niya.

Masuwerteng numero; 14 & 23

CANCER

Alam mo na ikaw ang tanging pinagkukuhanan ngayon ng lakas ng iyong kapareha. Kaya hindi ka pwedeng umalis tulad ng binabalak mo. Kung itutuloy mo ito ay para mo na rin siyang pinagkaitan ng pag-asa.

Masuwerteng numero; 1 & 5

LEO

Mapapalitan ng ngiti ang pagsimangot mo sa simula pa lang ng araw dahil sa paraang maiisip ng iyong kapartner para patawanin ka. Ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ka kaya naman palagi siyang handang pasayahin ka.

Masuwerteng numero; 48 & 64

VIRGO

Ang pangamba mo sa iyong kapareha na nasa malayo ay maglalaho na ngayon dahil sa araw na ito ay magkakasama na kayo. Diringgin na ng Diyos ang gabi gabi mong panalangin na magkita at magkasama na kayo ulit sa iisang bubong.

Masuwerteng numero; 13 & 15

LIBRA

May mga bagay talaga at pangyayari sa nakaraan ang mahirap kalimutan. Yung hindi basta basta nawawala sa iyong isip. Tulad ng dati mong pag-ibig, lalo na kung muli itong babalik at kakatok sa puso mo, na siyang mangyayari ngayon.

Masuwerteng numero; 50 & 65

SCORPIO

Hindi mawawalan ng saysay ang paghihirap na dinanas mo sa iyong kabiyak dahil sa araw na ito ay mare-realize na niya ang kanyang mga pagkakamali at siya mismo ang lalapit sa’yo para aminin ito at humingi ng tawad.

Masuwerteng numero; 3 & 4

SAGITTARIUS

Mabibigo kang paaminin ang iyong kabiyak sa isang bagay na matagal mo ng pinagdududahan sa kanya. Hindi magtatagumpay ang naisip mong strategy kaya kakailanganin mong mag-isip ng panibagong paraan.

Masuwerteng numero; 30 & 39

CAPRICORN

Kahit pa anong pilit ng iyong mga kaibigan ay hindi ka nila mapapaamin sa tunay na kalagayan ng iyong lovelife. Para sa’yo, mas pipiliin mo na maging pribado ang inyong relasyon para pareho kayong may katahimikan.

Masuwerteng numero; 8 & 19

AQUARIUS

Hindi ka mahihirapan na pakisamahan ang iyong mga in-laws dahil maraming bagay kayong pagkakasunduan. Dahil dito ay makakamit mo ang kapanatagan, lalo na ang iyong asawa na malaki ang tiwala sa’yo.

Masuwerteng numero; 10 & 15

PISCES

Tulad ng dati ay ikaw pa rin ang magsasakripisyo sa araw na ito para sa ikakabuti ng iyong mahal. At tulad pa rin ng dati ay wala silang maririnig na reklamo sa’yo o anupaman. Mananatiling tikom ang iyong bibig.

Masuwerteng numero; 26 & 28

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here