Love Horoscope Nobyembre 25, 2022

ARIES ♈  Kahit masyado lang abala sa’yong buhay, huwag mo naman sanang kalimutan na mayroon kang karelasyon. Huwag na huwag mo siyang pababayaan dahil baka isang araw ay magulat ka na lang dahil hindi na ikaw ang kanyang mahal. Sige ka, ikaw din ang iiyak.     (Lucky numbers 5, 12, 22)

TAURUS ♉ Ito na ang panahon para puntahan mo si Mahal. Ngayon mo kasi mapapatunayan sa kanya na talagang mahal mo siya at gagawin mo ang lahat para maniwala siya sa nararamdaman mo. (Lucky numbers 13, 14, 28)

GEMINI ♊ Ang taong tunay na nagmamahal ay gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Sa madaling salita, hindi lang yan dapat matapos sa salita, kailangan ding samahan mo ng gawa. Kahit gaano na kayo katagal, hindi ka pa rin dapat bumitaw sa pagpapakita mo ng pag-ibig. (Lucky Numbers 6, 8, 15)

CANCER ♋ Kung nabu-bored ka ngayon, lumabas ka naman kasama ang kaibigan mong matagal ng nangungulit ng bonding. Maaari kasing siya ang maging dahilan para makilala mo na ang taong matagal mo ng hinihintay na makasama habambuhay. (Lucky Numbers 1, 8, 14)

LEO ♌ Bigyan mo siya ng panahon para ma-realize niya ang kanyang mga pagkakamali. Basta palagi mo lang ipaparamdam sa kanya na kahit anong mangyari ay mananatili sa kanya ang iyong puso.  (Lucky Numbers 18, 24, 25)

VIRGO ♍ Masarap umibig pero may kahirapan din. May panahon kasing hindi kayo magkasundo. Ngunit, hindi naman ito magiging problema kung paiiralin ninyo ang pagmamahalan at samahan. Sana ay magpaliwanaga. Kayo dahil ito rin ang daan para kayo ay magkaunawaan.  (Lucky Numbers 4, 18, 23)

LIBRA ♎ Marami man kayong pakukulang ngayon sa isa’t isa dahil masyado kayong naging busy, hindi sapat na dahilan ‘yan para mawalan kayo ng tiwala sa isa’t isa. Gayunman kapag dumating na ang panahon na ikay ay nanghihina at ibig na sumuko, pagmasdan mo ang inyong mga larawan.  (Lucky Numbers 3, 8, 27)

SCORPION ♏ may taong matagal ng nAgmamahal sa’yo pero hindi niya maipahayag dahil natatakot siyang iwasan mo lang. Imulat mo ang iyong mga mata para siya ay matagpuan. Kapag nangyari iyon, magiging masaya ka rin. (Lucky Numbers 1, 8, 26)

SAGITTARIUS ♐ May pagkakataon na masakit magsalita si Labs. Ngunit, hindi ibig sabihin noon ay wala na siyang pag-ibig sa’yo. May pagkakataon kasing ibig lang niyang itama rin ang iyong pagkakamali. (Lucky Numbers 11, 20, 26)

CAPRICORN ♑ Kung marami kang gustong sabihin sa’yong mahal, ibulalas mo na sa kanya. Hindi mabuting nagtatago ang sikreto. Ang dapat mas maging malapit kayo para tumibay ang inyong relasyon.(Lucky Numbers 6, 14, 22)

AQUARIUS ♒ Maging matibay lang ang inyong samahan at darating din ang panahon na kayo ay magiging maligaya. Importante kasing tanggap ninyo ang isa’t isa. (Lucky Numbers 15, 20, 33)

PISCES ♓ Huwag ninyo pababayaang mawala ang atensyon ninyo sa isa’t isa.   Magiging daan pa kasi iyan para magkalabuan kayo. Gayunman, kung tunay kayong nagmamahala, mananatili pa rin kayo sa isa’t isa kahit anong mangyari. (Lucky Numbers 6, 25, 32)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here