Love Horoscope, Nobyembre 25, 2020

848

ARIES

Kahit hindi mo siya nakakasama ay patuloy ka pa ring aasa na magwowork pa rin ang inyong relasyon. Wala kang balak bumitaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap nyo ng magkahiwalay at ito ang ipaparamdam mo sa kanya ngayon.

Masuwerteng numero; 10 & 19

TAURUS

Kahit na alam mong hindi mo na siya dapat kumustahin ay gagawin mo pa rin. Sobrang namimiss mo na siya kaya naman kahit magmukha ka pang tanga sa paningin niya ay pipiliin mo pa rin na makausap siya kahit sandali.

Masuwerteng numero; 43 & 56

GEMINI

Hindi mo mapipigilan ang tukso pero magagawa mo itong iwasan kung gugustuhin mo. Ang magiging problema mo ay ikaw pa mismo ang lalapit sa tukso kahit alam mo na ang motibo nito kaya mahihirapan kang iwasan ito.

Masuwerteng numero; 11 & 17

CANCER

Wala ka ng babalikan. Kahit pa subukin mo na muling kumonekta sa kanya ay malabo nang mangyari ang iniisip mo. Bago pa man kayo maghiwalay ay alam mong may iba na siyang minamahal kaya dapat mo na siyang kalimutan.

Masuwerteng numero; 50 & 60

LEO

Sa wakas ay magdedesisyon ka na rin ngayon na harapin ang problema ng inyong relasyon. Ipaglalaban mo kung ano ang para sa’yo at hindi mo hahayaan na maagaw ng iba ang iyong mahal. Gagawin mo ang lahat.

Masuwerteng numero; 54 & 68

VIRGO

Labis mong ikakairita ang pagiging pasaway ng iyong kapareha. Kahit lagi mo siyang iniintindi ay hindi ka pa rin masasanay sa ugali niya kaya naman sa away pa rin lagi mauuwi ang hindi nyo pagkakaintindihan kahit pa sa maliit na bagay.

Masuwerteng numero; 32 & 41

LIBRA

Mapupuno ng paglalambingan nyo ang araw na ito. Lalo pang titibay ang pagmamahal nyo sa isa’t-isa matapos ang mga pagsubok na nilampasan nyo nitong mga nakaraang araw. Ngayon ang araw na mapagmumuni-munihan nyo ito.

Masuwerteng numero; 16 & 21

SCORPIO

Mararamdaman mo na ngayon ang panlalamig sa’yo ng iyong kapareha na matagal mo nang inaasahang mangyari. Alam mo na darating din ang araw na ito na magsasawa siya sa set up nyo na maging sa iba ay hindi katanggap tanggap.

Masuwerteng numero; 46 & 55

SAGITTARIUS

Sa kabila ng lakas ng iyong karisma, ng katalinuhan at iba pang espesyal na katangian ay hindi ka pa rin papansinin ng tao na gusto mong makapansin sa’yo. Ang atensyon niya ay mananatili sa kanyang pinagkakaabalahan.

Masuwerteng numero; 17 & 23

CAPRICORN

Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao ay mapapakiusapan mo na huwag makialam sa inyong relasyon. Lalo pa at alam nila na dumaraan kayo ngayon sa malaking problema na susubok sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 15 & 16

AQUARIUS

Wala kang balak na dramahan ang iyong asawa para lamang makuha mo ang iyong gusto sa araw na ito. Mas gusto mong pagbigyan ka niya dahil ginusto niya ng kusang loob at hindi dahil naawa lang siya sa drama mo.

Masuwerteng numero; 33 & 37

PISCES

Mahihiya kang kausapin o lapitan ang iyong karelasyon matapos ang matindi ninyong away. Hindi mo alam kung paano ka makikipagkasundo sa kanya ngayong alam mo na, na ikaw ang siyang nagkamali at hindi siya.

Masuwerteng numero; 12 & 20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here