Love Horoscope, Nobyembre 24, 2020

1000

                                                                          

ARIES

Ang pagsasama nyo ay mababalot ng pangamba at mapupuno ng pagdududa. Ito ay dahil malayo kayo sa isa’t-isa. Kaya naman kung anu-anong hindi magandang bagay tungkol sa relasyon nyo ang maiisip nyo pareho.

Masuwerteng numero; 23 & 39

TAURUS

Sa araw na ito ay makakaramdam ka ng panghihina ng loob. Dulot ito ng mga hindi magandang pangyayari sa iyong buhay nitong mga nakaraang araw. Dahil sa iyong kapareha ay madaragdagan ang iyong kumpiyansa.

Masuwerteng numero; 31 & 41

GEMINI

Magiging mabilis lang ang pagpapasyang gagawin mo tungkol sa inyong relasyon. Ang pakikipaghiwalay sa kanya ay hindi magiging ganoon kahirap sa’yo dahil matagal mo na rin itong pinaplano bago pa man ang inyong away.

Masuwerteng nuemro; 56 & 67

CANCER

Muling iiral ang selos sa iyong puso dahil sa ipapakitang concern ng iyong kapareha sa dati niyang karelasyon. Para sa’yo ay hindi na dapat niya ito ginagawa lalo pa at alam naman niyang nakakaramdam ka pa rin ng selos dito.

Masuwerteng numero; 11 & 12

LEO

Isang negosyo ang maiisip ninyong buksan. Maliit na negosyo lamang ito pero aasa kayo pareho na malaki ang maitutulong nito sa inyong pangangailangang pinansyal at maaari nyo rin itong maging bonding bilang magkapartner sa buhay.

Masuwerteng numero; 7 & 16

VIRGO

May dalang pangako ang umaga na pareho nyong aasahan. Gayunpaman, kakailanganin nyo pa ring parehong kumilos kung nais ninyong makamit ang katuparan ng pangakong ito. Huwag pairalin ang katamaran.

Masuwerteng numero; 22 & 46

LIBRA

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa inyong mag-asawa. Ngayon ninyo mahahanap ang solusyon na matagal nyo ng inaasam kaugnay ng isang mabigat na problemang matagal nyo ng kinakaharap.

Masuwerteng numero; 28 & 32

SCORPIO

Magiging mabagal ang ikot ng orasan para sa inyong dalawa ng iyong kinakasama. Ito ay dahil sa kawalan nyo ng magawa sa araw na ito. Pareho kayong wala sa mood para kumilos kaya hindi magiging produktibo ang araw nyo.

Masuwerteng nuemro; 34 & 43

SAGITTARIUS

Magiging maayos at magaan ang araw mo kasama ang iyong mahal. Hindi planado ang lahat ng inyong ginagawa subalit ang lahat ng ito ay aayon sa kung ano ang nais ninyong kalabasan nito kaya matutuwa kayo.

Masuwerteng numero; 8 & 17

CAPRICORN

Wala kang mapapala sa pag-iistalk mo sa iyong karelasyon. Magkakamali ka sa iyong hinala. Iba ang pinagkakaabalahan niya sa duda mong pinag-uubusan niya ng oras. Mapapahiya ka lamang kung itutuloy mo pa ang ginagawa.

Masuwerteng numero; 45 & 46

AQUARIUS

Ang iyong kapareha ay may likas na taglay na suwerte. Ito ay dahil sa pagiging positibo niyang tao. Kaya naman kapitan man siya ng malas ay agad ding naaalis. Dahil palagi kayong magkasama ay mahahawa ka na sa suwerte niya.

Masuwerteng numero; 10 & 31

PISCES

Hindi mo gustong salubungin ang init ng ulo ng iyong mahal subalit mangyayari pa rin ito dahil hindi mo mapipigilan ang iyong sarili. Mapipikon ka na sa ugali niya. Para sa’yo ay wala namang basehan ang init ng kanyang ulo.

Masuwerteng numero; 15 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here