Love Horoscope, Nobyembre 22, 2020

817

ARIES

Simple lang ang magiging diskarte mo pagdating sa pag-ibig. Take it or leave it. Iyan ang makikita at mararamdaman niya sa’yo kahit deep inside ay iba naman ang nararamdaman mo. Pero alam mong hindi mo pwedeng ipakita ang totoo.

Masuwerteng numero; 9 & 19

TAURUS

Hindi ito ang tamang panahon para magmukmok ka sa sama ng loob mo sa iyong karelasyon. Mas marami kang problema na dapat unahin. Kung isasantabi mo muna ang usaping puso ay mas maliliwanagan ka.

Masuwerteng numero; 53 & 64

GEMINI

Sa’yo kukuha ng lakas ang iyong asawa. Ikaw ang sandalan niya sa mga panahong ito na nawawalan siya ng pag-asa. Kaya naman dapat kang maging matatag nang higit sa kanyang inaasahan. Alang-alang sa inyong ikakabuti.

Masuwerteng numero; 16 & 26

CANCER

Ngayong araw ay mararamdaman mo kahit papa’no ang malasakit sa’yo ng iyong kapareha. Dahil dito ay magkakaroon ka ng konting kapanatagan. Mas mabibigyan mo ng atensyon ngayon ang problemang pinansyal kaysa puso.

Masuwerteng numero; 7 & 18

LEO

Sa ngayon ay walang halaga sa kanya ang mga sinasabi mo maging ang mga paalala. Pero wag kang mag-alala dahil marerealize din niya na hindi niya dapat binabalewala ang mga salitang nanggagaling sa’yo dahil sinsero ito.

Masuwerteng numero; 11 & 19

VIRGO

Ikaw pa rin ang papaboran ng iyong asawa kahit na may konti siyang pagdududa sa iyong mga pasya. Hindi niya magagawang kumampi sa iba dahil alam niya na magiging mitsa ito ng inyong hindi pagkakasundo.

Masuwerteng numero; 27 & 30

LIBRA

Tulad pa rin ng dati. Masaya at maayos ang iyong lovelife dahil nasa tabi mo ang iyong mahal. Pagsisilbihan ka niya na parang isang reyna kaya naman hindi ka makakaramdam ng pagod at wala kang masyadong aalalahanin.

Masuwerteng numero; 15 & 22

SCORPIO

Sa kabila ng panghihina ng loob ng iyong kapareha ay ang iyong kalakasan. Para sa’yo ay walang puwang ngayon ang karuwagan sa buhay. Dapat kang maging malakas para sa’yo at para sa kanya kung gusto ninyong manatiling ligtas.

Masuwerteng numero; 4 & 8

SAGITTARIUS

May pag-asa pa na kayo ay magkabalikan kahit ito ay sa pamamagitan lang ng internet. Pero magtataka ka dahil hindi na kasing saya ng dati ang iyong mararamdaman. Kaya naman hindi mo na masyadong aalalahanin kung magkabalikan man kayo o hindi na.

Masuwerteng numero; 1 & 2

CAPRICORN

Susubukin ng tadhana ang inyong pagsasama at tiwala sa isa’t-isa. Sa kabila ng hindi magandang kalagayan ngayon ng lahat ay hindi nyo pa rin maiiwasan ang mga karagdagang problema sa loob ng tahanan.

Masuwerteng numero; 34 & 44

AQUARIUS

Makakatanggap ka ng tawag mula sa dati mong karelasyon. Malilito ka kung dapat mo ba itong i-entertain o hindi na. Kahit may konti ka pang damdamin para sa kanya ay alam mo namang hindi na ito maaari.

Masuwerteng numero; 12 & 21

PISCES

Hindi mo maiiwasan ang isang tao na labis na humahanga sa’yo. Hindi man kayo magkaroon ng chance na magkita sa ngayon ay palagi ka pa rin niyang susubaybayan sa social media na parang isang stalker mo.

Masuwerteng numero; 13 & 14

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here