Love Horoscope, Nobyembre 21, 2020

676

ARIES

Maba-bad trip ka  dahil sa selos na mararamdaman mo ngayong araw. May makikita ka kasi sa social media na larawan ng taong gusto mo kasama ang iba. Hindi mo ito gusto kaya masisira nito ang mood mo.

Masuwerteng numero; 12 & 45

TAURUS

Wala kang dapat ipag-alala sa iyong mahal. Nasa mabuti siyang kalagayan at sa kabila ng kanyang kaabalahan ay naiisip ka pa rin niya. Mas makakabuti kung gagawin mo muna ang tungkulin mo tulad ng kanyang ginagawa.

Masuwerteng numero; 24 & 25

GEMINI

Wala kang magagawa sa balak niyang paglayo. Alam na alam mo na kapag naging final ang kanyang desisyon ay hindi mo na ito mababali. Kahit magkaroon ka pa ng chance ay siguradong mahihirapan ka muna.

Masuwerteng numero; 11 & 12

CANCER

Mahalaga para sa’yo ang damdamin niya kaya naman papakaingatan mo na siya ay masaktan. Magiging maingat ka sa mga salitang iyong bibitawan lalo na at alam mong sensitibo siyang tao at madaling magdamdam.

Masuwerteng numero; 42 & 47

LEO

Mataas ang pride ng iyong kapareha kaya naman mapipilitan kang magpakumbaba para sa kanya. Hindi mo ito pagsisisihan kahit pa sabihin ng mga nagmamalasakit sa’yo na hindi mo ito dapat gawin dahil aabuso siya.

Masuwerteng numero; 55 & 60

VIRGO

Tulad ng dati ay palalampasin mo na naman ang magagawa niyang kasalanan. Dahil dito ay magkakaroon ulit siya ng lakas na loob na muli itong gawin sa’yo. Kaya dapat mo ng pag-isipan ang susunod mong aksyon.

Masuwerteng numero; 9 & 14

LIBRA

Ilang beses mo man siyang ipagtulakan ay babalik at babalik pa rin sya sa’yo. May mahalaga pa siyang gagampanan sa buhay kaya sa ayaw at sa gusto mo ay magpapatuloy pa ang inyong relasyon at pagsasama.

Masuwerteng numero; 25 & 30

SCORPIO

Smooth sailing ang takbo ng relasyon nyo ngayon. Kahit pa hindi kayo magkasama ay mananatili ang pagmamahal nyo sa isa’t-isa. Hindi mapuputol ang inyong komunikasyon at patuloy pa rin kayong magkakapalitan ng opinyon.

Masuwerteng numero; 54 & 56

SAGITTARIUS

Hindi mo man gusto na magkagusto sa iba ay hindi mo ito maiiwasan. Mahuhulog ang loob mo sa isang tao na madalas mong makausap sa internet. Marami siyang magagandang katangian na iyong hahangaan.

Masuwerteng numero; 13 & 14

CAPRICORN

Siya na mismo ang gagawa ng paraan para magkabati kayo. Isa lamang itong pagpapatunay na hindi ka niya kayang tiisin gaya ng pagtitiis na ginagawa mo sa kanya. Pero hindi mo makakayang iwasan ang kanyang pagsusumamo.

Masuwerteng numero; 13 & 24

AQUARIUS

Hindi mo magagawang ibahagi sa kanya ang iyong problema dahil ayaw mong dagdagan pa ang mga problemang hinaharap na niya ngayon. Kaya naman magpapasya ka na lutasing mag-isa ang sarili mong suliranin.

Masuwerteng numero; 37 & 68

PISCES

Kahit na mag-effort ka pa para tuklasin ang nilalaman ng kanyang isip ay hindi mo pa rin ito malalaman. Mananatiling tikom ang bibig ng iyong karelasyon sa kung anuman ang gumugulo sa kanyang isip sa ngayon.

Masuwerteng numero; 20 & 28

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here