Love Horoscope, Nobyembre 18, 2020

974

ARIES

Mababawasan ang paghanga mo sa isang tao na lihim mong itinatangi dahil may makikita kang ugali sa kanya na hindi katangi-tangi. Gayunpaman, hindi naman agad-agad mawawala totally ang paghanga mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 5 & 6

TAURUS

Isang bagong kakilala ang maa-attract sa’yo dahil sa likas mong karisma. Isa ring malaking factor na ikakahanga niya sa’yo ay ang iyong naiiba at natatanging talento. Pero hindi pa ito ang panahon na maa-attract ka rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 8 & 9

GEMINI

Hindi siya, kundi ikaw ang magpapasya ngayon sa loob ng inyong tahanan dahil ikaw ang higit na nakakaalam ng mga kailangang gawin sa panahon na ito. Wala kang dapat alalahanin dahil maggi-give way siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 20 & 32

CANCER

Hindi mababago ng simpleng paghingi niya ng tawad ang mabigat mong saloobin sa kanya ngayon. Malaki ang nagawa niyang kasalanan sa’yo kaya naman hindi agad-agad mawawala ang sama ng loob mo.

Masuwerteng numero; 25 & 30

LEO

Siya at siya pa rin ang magiging laman ng iyong puso at isipan kahit pa anong pagdedeny mo. Kahit taas noo mong nasasabi sa iba na nakalimutan mo na siya ay alam mo sa sarili mo na wala talaga itong katotohanan.

Masuwerteng numero; 2 & 4

VIRGO

May pagtatalong magaganap sa pagitan ninyo ng iyong mahal. Hindi magkakatugma ang inyong mga opinyon tungkol sa isang bagay. Magkaiba rin ang gusto ninyong maging diskarte at gusto nyong mangyari sa buhay nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 1 & 3

LIBRA

Huwag mong masyadong ibuhos ang iyong tiwala sa iyong kapareha. Dahil sa sobra mong tiwala at kaluwagan sa kanya ay malaki ang posibilidad na ma-take advantage niya ito ngayong araw nang hindi mo namamalayan.

Masuwerteng numero; 4 & 7

SCORPIO

Ang mahabang oras na pagsasama nyo sa bahay ngayon ang siyang magiging daan para matuklasan nyo ang natatagong talento at mga katangian ng isa’t-isa. Kaya naman magiging masaya at challenging ang bawat oras.

Masuwerteng numero; 45 & 47

SAGITTARIUS

Yung akala mo ay hindi mo na siya mahal. Pero dahil sa mga nangyayari at sa inyong pagkakalayo ay saka mo mare-realize na mas masaya ang buhay kung nasa tabi mo siya. Hindi mo maiiwasan na hindi siya ma-missed.

Masuwerteng numero; 28 & 29

CAPRICORN

Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na sabihin sa kanya ang tunay na nilalaman ng iyong damdamin. Para sa’yo, wrong timing ang panahon na ito para isingit sa kanya ang iyong pag-ibig ngayong marami siyang hinaharap na problema.

Masuwerteng numero; 3 & 5

AQUARIUS

Normal lang na makaramdam ka ng pagseselos kung sa tingin mo ay mas napapalapit na ang iyong karelasyon sa isang kaibigan kaysa sa’yo. Subalit hindi mo ito makakayang ipakita sa kanya o ipahalata man lang.

Masuwerteng numero; 7 & 11

PISCES

Wala kang dapat ikabahala kahit hindi mo man kasama ngayon ang iyong mahal. Tulad mo ay maayos din ang kanyang kalagayan. Pareho pa rin ang inyong nararamdaman sa isa’t-isa. Kaya mapapanatag ka na.

Masuwerteng numero; 14 & 15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here