Love Horoscope, Nobyembre 17, 2020

1327

ARIES

Kailangan mong maging sensitibo sa damdamin ng iyong kapareha kung ayaw mo na masaktan mo siya. Sadyang maramdamin siya kaya piliin mo lamang ang mga salitang gagamitin mo sa pagkausap sa kanya hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 13 & 15

TAURUS

Isang lihim ang malalaman mo na may kinalaman sa taong iyong minamahal. Gayunpaman, sa ayaw at sa gusto mo ay mananatili ang pagmamahal mo sa kanya. Maski sarili mo ay hindi mo maiintindihan ang nararamdaman.

Masuwerteng numero; 10 & 20

GEMINI

Kahit na ano pang problema ang pinagdadaanan nyo ngayon ay magiging masaya ka pa rin na kasama mo siya. Pakiramdam mo ay wala kayong hindi kakayanin hangga’t nasa tabi nyo ang isa’t-isa at nagtutulungan.

Masuwerteng numero; 16 & 23

CANCER

May mababago sa damdamin mo para sa iyong kapareha. Ito ay bunsod ng mga ipinapakita niya sa’yong ugali na hindi mo nakita sa kanya noon. Sa kabila nito ay susubukan mo pa rin siyang pagpasensyahan at unawain.

Masuwerteng numero; 18 & 19

LEO

Magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan nyo ng iyong mahal pero hindi naman ito magiging malaking isyu sa inyong dalawa. Bahagi lamang ito ng inyong pagsasama lalo na at pareho pa kayong nag-aadjust sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 26 & 30

VIRGO

Sa wakas ay masasabi mo na rin sa kanya ang gusto mong sabihin na matagal mo ng kinikimkim. Kaya lang ay hindi tulad ng iyong inaasahan ang magiging reaksyon niya. Hindi mo magugustuhan pero wala ka namang magagawa.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LIBRA

Mahihirapan kang baguhin ang isip ng iyong mahal dahil kilala mo naman siya. Sa oras na siya ay magbitaw na ng desisyon ay pinaninindigan niya ito ke mali o tama man siya ay hindi na niya ito babawiin pa.

Masuwerteng numero; 6 & 8

SCORPIO

Makakarinig ka ngayon ng hindi magandang salita against sa taong minamahal mo. Kahit ayaw mo ng gulo ay hindi mo maiiwasan na hindi magsalita. Para sa’yo ay kailangan mo siyang ipagtanggol laban sa naninira sa kanya.

Masuwerteng numero; 40 & 55

SAGITTARIUS

Sa kabila ng kanyang pananahimik ngayon at hindi pagpaparamdam sa’yo ay wala kang dapat ipag-alala. Ikaw pa rin ang iniisip niya at laman ng puso niya. Nagkataon lang na marami siyang problemang hinaharap sa ngayon.

Masuwerteng numero; 9 & 11

CAPRICORN

Kahit na anong gawin mong pag-iwas sa kanya ay mananatili ang iyong kagustuhan na makasama siya. Pero hindi mo man siya makasama ngayon ay magkakaroon ka naman ng pagkakataon na makausap siya sa pamamagitan ng internet.

Masuwerteng numero; 49 & 51

AQUARIUS

Mahalaga ang araw na ito para sa’yo dahil umaasa ka na makakasama mo ang iyong mahal sa isang salu-salo. Subalit ang mga pag-asam mo ay mabibigo dahil sa isang biglaang pangyayari na hindi nyo pareho inaasahan.

Masuwerteng numero; 20 & 27

PISCES

Hindi magiging maganda ang takbo ng inyong relasyon dahil sa kabila ng kanyang mga eksplanasyon sa nagawa niyang pagkakamali ay patuloy ang iyong pagdududa. Mahihirapan kang ibigay ng buo ang iyong tiwala.

Masuwerteng numero; 12 & 15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here