Love Horoscope, Nobyembre 16, 2020

698

ARIES

Ikaw ang magpapasya kung mananatili ka sa kanyang tabi o kaya ay lalayo. Pero hindi ka pa makakapagdesisyon ngayong araw dahil kakailanganin mo pa itong pag-isipan ng mabuti. Ayaw mong magkamali ng pasya.

Masuwerteng numero; 25 & 27

TAURUS

Mananatiling smooth sailing ang inyong relasyon sa kabila ng mga hindi magandang kaganapan ngayon. May sarili kayong paraan para patuloy na maipadama sa isa’t-isa ang inyong tunay at tapat na pagmamahal.

Masuwerteng numero; 38 & 40

GEMINI

Isang magandang balita ang matatanggap mo mula sa kaibigan. May kinalaman ito sa taong minamahal mo ng lihim. Dahil makakarating na sa’yo ang lihim din niyang pagtingin. May panghihinayang nga lang dahil walang way na magkita kayo ngayon.

Masuwerteng numero; 4 & 5

CANCER

Ikakabahala mo ang hindi pagpaparamdam ng iyong mahal. Lalo na sa gitna ng ganitong sitwasyon ng ating bayan. Kaya naman ang araw na ito ay mapupuno ng stress para sa’yo. Buong maghapon mo siyang iisipin.

Masuwerteng numero; 9 & 14

LEO

Pagdududahan mo ang kakaibang paglalambing sa’yo ngayon ng iyong mahal. Hindi mo maiwasan na mag-isip dahil hindi naman siya dating ganito sa’yo. Pero sa halip na magtanong ay ipagpapatuloy mo lang ang iyong pag-oobserba.

Masuwerteng numero; 12 & 23

VIRGO

Huwag mo nang hintayin na maintindihan ka pa ng iyong mga kamag-anak sa patuloy mong pananatili sa isang walang kwentang relasyon. Alam mo naman kung ano ang nararamdaman sa’yo ng iyong kinakasama.

Masuwerteng numero; 16 & 26

LIBRA

Masasaktan ka sa salitang bibitawan sa’yo ng iyong kapareha. Hindi mo akalain na masasabi niya ito sa’yo. Gayunpaman ay palalampasin mo muna ito dahil wala ka sa mood na makipagtalo sa kanya ngayon.

Masuwerteng numero; 29 & 30

SCORPIO

Sisigla ang matamlay mong umaga dahil sa isang tao. Siya ang tao na nagbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon. Hindi man niya alam ay kuntento ka nang makita siya at makausap. Kahit hanggang doon lang.

Masuwerteng numero; 20 & 30

SAGITTARIUS

May bago kang mangingibig. Siya yung tao na laging nagcha-chat sa’yo. Kahit trabaho ang lagi niyang reason sa pagchat sa’yo ay may iba pa siyang nais bukod doon na hindi lang niya masabi dahil para sa kanya ay masyado pang maaga para malaman mo.

Masuwerteng numero; 9 & 10

CAPRICORN

Parehong hindi nyo gusto ang malayo sa isa’t-isa. Pero sa ngayon ay wala kayong magagawa kundi kausapin at makita na lang muna ang isa’t-isa sa pamamagitan ng internet. Para na rin sa inyong ikabubuti.

Masuwerteng numero; 15 & 17

AQUARIUS

Kahit hindi mo maramdaman sa ngayon ang pagmamahal niya ay wala kang dapat ipag-alala. Mahal ka pa rin niya. Nagkataon lang na marami siyang problemang kinakaharap kaya maisasantabi muna niya ang tungkol sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 19 & 32

PISCES

Magiging masaya ang bawat oras na lilipas kapiling ang iyong mahal. May kapanatagan ang inyong pagsasama sa ngayon kaya naman hindi ka nag-aalala. Hihilingin mo na sana ay ganito na lang palagi ang inyong eksena.

Masuwerteng numero; 6 & 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here