Love Horoscope Nobyembre 15, 2022

ARIES

Aakalain mo na balewala sa kanya ang iyong mga hinaing dahil wala siyang kibo dito. ngunit sa araw na ito ay mabibigla ka na lang dahil mapapatunayan mo na pinag-aaralan lang pala niya ang iyong mga kahilingan bago niya bigyan ng pansin.

Masuwerteng numero; 51 & 53

TAURUS

Habang lumalakad ang panahon ay lalong nadaragdagan ang pagmamahal mo sa kanya dahil sa kabutihang ipinapakita niya sa’yo. Kaya naman hihilingin mo na sana ay huwag ng magkaroon ng katapusan ang inyong kaligayahan.

Masuwerteng numero; 6 & 12

GEMINI

Wala kang masasabi sa kanyang kasipagan. Kahit dahil handa siyang magsakripisyo  maipakita lamang niya sa’yo ang kanyang kakayahan na ibigay sa’yo ang iyong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 19 & 20

CANCER

Ang mangyayari ngayon sa pagitan ninyong dalawa ay hinding-hindi mo makakalimutan. Ito ang unang araw na makakasama mo siya ng matagal at aayon ang tadhana sa kagustuhan mo na may mamagitan sa inyo.

Masuwerteng numero; 45 & 47

LEO

Kahit na ano pa ang sabihin ng iba ay hindi nila mababago ang iyong pasya. Siya pa rin ang pipiliin mong mahalin matapos ang nauna mong pagkabigo sa pag-ibig. Dahil siya ang nakakapagpasaya sa’yo ngayon at nakakapagbigay ng kailangan mo higit lalo sa pang-uunawa

Masuwerteng numero; 3 & 5

VIRGO

Wala kang mapapala sa pagbuntot mo sa isang tao. kahit bantayan mo siya 24 Oras ay wala kang mahihita. Kaya magpapasya kang itigil ang iyong kalokohang pagiispiya sa kanya

Masuwerteng numero; 18 & 24

LIBRA

Ngayong araw ay ipapaubaya mo sa iyong mahal ang pagpapasya tungkol sa mahalagang bagay na may kinalaman sa inyong pamilya. Hindi ka man 100% na sasang-ayon sa kanyang desisyon ay hindi mo pa rin ito tututulan.

Masuwerteng numero; 11 & 15

SCORPIO

Kahit ayaw mo ng ganitong pakiramdam ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi kainin ng selos sa araw na ito. Ito ay dahil sa makikita mo ang iyong mahal na magbibigay ng espesyal na atensyon at malasakit sa iba.

Masuwerteng numero; 20 & 31

SAGITTARIUS

Yung akala mo ay okay ka na at okay lang sa’yo ang mga nangyari sa inyo ay hindi pala. Ngayon mo mare-realize na marami kang hindi dapat na ginawa at hindi dapat sinabi. Pagsisisihan mo ito ngayon pero wala ka ng magagawa.

Masuwerteng numero; 17 & 23

CAPRICORN

Ngayon mo mararamdaman ang tunay niyang pagmamahal. Ipaglalaban ka niya kahit harangan pa siya ng sibat. Kahit na ano pa ang sabihin at maging tingin sa kanya ng ibang tao dahil sa’yo ay mananatili siyang nasa tabi mo.

Masuwerteng numero; 60 & 68

AQUARIUS

Isang dating minahal ang muli mong makikita. Ang pagkikitang ito ang magiging mitsa ng muli ninyong pagkakalapit. Pero huwag kang umasa na maibabalik nyo pa ang dati na matagal ng nasira at nawala dahil na rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 53 & 57

PISCES

Muli mong yayakapin ang isang pag-ibig na dati mo ng inayawan. Minahal mo siya noon at muli mo siyang mamahalin ngayon dahil sa mga pagbabagong makikita mo sa kanya. Ito ang iyong magiging basehan.

Masuwerteng numero; 43 & 49