Love Horoscope Nobyembre 14, 2020

710

ARIES

Isang event ang maaaring dadaluhan ngunit hindi mo ito masasabi sa iyong kapareha na magiging dahilan ng isang hindi pagkakaunawaan. Kaya naman tudo paliwanag ka sa kanya ng iyong dahilan kung bakit mo ito inilihim.

Masuwerte numero: 14 & 23

TAURUS

Isang masinsinang usapang magaganap ngayon sa pagitan ninyong magkarelasyon tungkol sa mga ilang bagay na gumugulo sa iyong isipan.Kailangan mong masabi ng maayos sa kanya ang iyong mga hinaing upang lubos niya itong mauunawaan.

Masuwerteng numero; 7 & 34

GEMINI

Ang iyong pasensiya ay tuluyan na masaid ngayon. Ilang beses muna siyang binigyan na pagkakataon na magbago, ngunit tila malabo pa itong mangyari sa ngayon, kaya naman buo na ang iyong pasya ng pulutan ang ang iyong ugnayan sa kanyan masakit man ngunit alam mo sa iyong sarili na ito ang tama.

Masuwerteng numero; 41 & 53

CANCER

Torn between two lovers. Ngayon ay labis kang maguguluhan kung sino sa dalawa mong napupusuan ang mas bigyang halaga. Pareho mo silang minahal at mahalaga silang pareho sayo. Ngunit alam mo din na dapat ay isa lamang sa kanila ang dapat mas bigyang halaga at tuluyang palayain ang isa.

Masuwerteng numero; 18 & 61

LEO

Ang pagkakatong ito ay nagbibigay daan upang makausap ang isang taong matagal munang gustong gustong makausap. Ngunit wag magmadali na magbigay ng mga katanungan na nais mong malaman. Kung talaga may damdamin ka para sa kanya isipin mo din ang kanyang damdamin.

Masuwerteng numero; 34 & 49

VIRGO

Nais mo ang makipag-usap sa iba,Ngunit ang araw na ito, isang karaniwan na usapan ay magiging kamang-mangha. Ito din ay maaaring maghatid ng mas pagiging tapat ninyo sa isat-isa Makikita mo ang iyong sarili na nakatuon sa iyong tunay na damdamin para sa taong mahal.

Masuwerteng numero: 17 &  24

LIBRA

Isang bagay ay maghahatid sayo  upang mas maging malapit sa taong spesyal. Ito ang pagkakataon na magbahagi ng mga excited na usapan sa isat isa. At kung sa tingin mo ay pareho kayo ng damdamin ito ang pagkakataon upang ito ay mas palaguin.

Masuwerteng numero: 29 & 63

SCORPIO

Isang mahalaga pasya ang iyong bibitawan ngayon na may kinalaman sa iyong mahal. May ilang mga problema sa pagitan mo na nais mong takasan at gusto mo itong solusyong mag-isa.  Ngunit dipa dapat mas nagyon mo siya higit na kailangan?

Masuwerteng numero: 3 & 31

SAGITTARIUS

Maging handa sa isang romantikong usapin sa isang taong itinatangin ng iyong puso. Wag hayaan na itago ang iyong tunay na damdamin para sa taong ito ipakita mo sa kanya ang iyong tunay na nararamdaman.

Masuwerteng numero: 42 & 44

CAPRICORN

Tila makakaramdam ka ngayon ng kawalan ng tiwala sa iyong kapareha. ang ilang mga pagdududa ay magsisimula tila lagi siya ngayon gabi kung umuwi at hindi maalis alis ang telepono sa kanyang mga kamay. Kaya naman lihim mo itong aalamin.

Masuwerteng numero; 6 & 15

AQUARIUS

Kahit na anupang gawin mong iwas ay dika na makakatanggi pa sa isang paanyaya sayo ng taong lihim mong minahal. Gusto mo man siyang iwasan dahil ayaw mong umasa at masaktan ay pinapahamak ka naman ng iyong puso. Ngunit sa kabila nito ay dimo maitatanggi sa iyong sarili ang lubos ng kilig at tuwa.

Masuwerteng numero; 31 & 41

PISCES

Kahit na alam mo sa iyong isip at puso na ikaw ang tama, mas makakabuti ang hawakan mo muna sa iyong sarili ang mga nais mong sabihin.

Saka na lamang ito isiwalat kung nakikita mong ito ay maiintindihan na niya at labis niya itong mauunawaan. Sa ganitong paraan ay mas magagawa mong palalimin pa ng higit ang inyong mga damdamin.

Masuwerteng numero: 21 & 62

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here