Love Horoscope; Mayo 31

123

ARIES

Ang matagal mo ng hinala sa kanya ay mapapatunayan mo ngayong araw na ito. Pero hindi ka dapat masyadong ma-stress dahil sa kabila ng katotohanang ito ay wala ka na ring magagawa dahil natapos na rin ito.

Masuwerteng numero; 15 & 17

TAURUS

Ang minsan mong pagkabigo sa pag-ibig ang siyang magbibigay sa’yo ng lakas ngayon sa pagharap mo sa bagong pag-ibig. Marami kang natutunan mula mismo sa iyong karanasan at ito ang balak mong pairalin ngayon.

Masuwerteng numero; 1 & 3

GEMINI

Ang pagiging palabiro mo ang aakit sa kanya. Mahilig siya sa mga funny people kaya naman dahil napapatawa mo siya ay hindi imposible na mahulog din ang loob niya sa’yo tulad ng pagkahulog mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 25 & 30 ©PhilippineOne.com

CANCER

Wala kang ibang magagawa kung sadyang hindi ka gusto ng isang tao. Kahit na ano pa ang gawin mo ay aayaw pa rin siya sa’yo kung talagang  wala siyang nararamdaman. Ibaling mo na lang sa mas mahalagang bagay ang atensyon mo.

Masuwerteng numero; 10 & 16

LEO

Magkakamali ka ng iniisip sa iyong mahal. Ang pagkakamali na inaakala mong ginawa niya ay mapapatunayan niya sa’yo ngayon na hindi niya ginawa. Kaya naman mapapahiya ka sa paghusga mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 35 & 44

VIRGO

Sa araw na ito ay mag-iisip ka ng espesyal na putahe na pwedeng mong ihanda para sa iyong mahal na inaasahan mong darating. Kaya naman gugugol ka ng mahabang oras sa paghahanap ng kakaibang recipe sa internet. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 11 & 22

LIBRA

Matataranta ka sa biglaang pagdedesisyon na gagawin ng iyong mahal. Hindi ka nakahanda para rito. Kaya naman malilito ka kung ano ang dapat mong sabihin at maging reaksyon. Hindi ito papabor sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 14 & 41

SCORPIO

Magkakaroon ka ng pagkakataon na malapitan at makausap ang dati mong kinakasama. Malalaman mo kung gaano nakabuti sa kanyang buhay ang paghihiwalay ninyong dalawa. Hindi mo maiiwasan na makadama ng panghihinayang.

Masuwerteng numero; 30 & 34

SAGITTARIUS

Mababalitaan mo ang hindi magandang pangyayari tungkol sa iyong ex. Kahit na wala na kayong relasyon ngayon at komunikasyon man lang ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi malungkot dahil kahit papa’no ay may pinagsamahan pa rin kayo.

Masuwerteng numero; 49 & 52

CAPRICORN

Isa sa mga dati mong pag-ibig ang mamamaalam na ngayon. Natural lamang na hindi ka masaya sa balitang ito at hindi mo mapipigilan na mapaiyak. Muling mananariwa sa’yo ang mga alaala ng inyong pinagsamahan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 33 & 46

AQUARIUS

Magiging proud ka sa sarili mo na nakaya mong bitawan ang isang toxic na relasyon. Dahil mababalitaan mo na ang bago nitong karelasyon ay problemado rin ngayon sa iyong ex tulad sa kung paano mo ito pinroblema dati.

Masuwerteng numero; 4 & 6

PISCES

Magiging malaking bagay para sa’yo ang suportang ibinibigay sa’yo ng iyong asawa sa lahat ng mga ginagawa mo. Dahil dito ay lalong lalakas ang iyong loob at bibigyan ka pa niya ng mga bagong ideya na mapapakinabangan mo.

Masuwerteng numero; 9 & 10

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here