Love Horoscope; Mayo 29

169

ARIES

Dahil sa hindi nyo madalas na pagkikita ng iyong mahal kaya sobra mo siyang mamimiss. Kaya naman gagawin mo ang lahat ng paraan para maibsan ang pangungulila mo sa kanya sa bawat araw na lumilipas.

Masuwerteng numero; 15 & 20

TAURUS

Sa araw na ito ay hindi maiiwasan ang komprontasyon sa pagitan nyo ng iyong asawa. Ito ay dahil sa isang bagay na noon nyo pa pinagtatalunan. Ang madalas na pagtatalo nyo tungkol rito ang magiging mitsa ng inyong komprontasyon. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 6 & 17

GEMINI

Isang bagong kasamahan sa trabaho ang magpaparamdam ng espesyal niyang pagtingin sa’yo. Pero wala kang balak na bigyang pansin ito dahil gusto mo munang ipahinga ang puso mo mula sa mga nagdaang kabiguan.

Masuwerteng numero; 14 & 20

CANCER

Isang lihim na mangingibig ang hindi na makakatiis at magtatapat na sa’yo ng pag-ibig. Ikakabigla mo ito dahil siya yung tipo ng tao na hindi mo gustong kausapin dahil sa sobra niyang katahimikan at pagiging seryoso.

Masuwerteng numero; 8 & 18

LEO

Kahit sabihin mo na okay ka lang ay mababakas pa rin sa’yong kilos at pananalita na hindi ka okay sa sitwasyon nyo ngayon ng iyong mahal. Gayunpaman, wala kang ibang solusyon na maiisip kundi palipasin ito.

Masuwerteng numero; 30 & 45

VIRGO

Mawawalan ka ng oras sa kanya dahil sa dami ng trabahong maiaatang sa balikat mo ngayon. Pero mag-iisip ka naman ng paraan para makabawi ka sa iyong karelasyon sa mga susunod na araw sa oras na matapos mo ang trabaho.

Masuwerteng numero; 12 & 22

LIBRA

Kahit na maging sunud-sunuran ka sa kanya para mapatunayan lang ang pagmamahal mo ay hindi ito magiging sapat sa iyong karelasyon. Maghahanap at maghahanap pa rin siya ng iba dahil hindi parehas ang pagmamahal nyo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 13 & 19

SCORPIO

Wala kang ibang gustong gawin sa araw na ito kundi pasayahin ang iyong kinakasama sa ngayon. Pero hindi mo pa rin maiiwasan na isipin ang iyong ex. Ang alaala pa rin ng inyong relasyon ang hahanap hanapin mo.

Masuwerteng numero; 40 & 60

SAGITTARIUS

Mapupuno ka pa rin ng pagdadalawang isip na bitawan ang iyong mahal kahit pa alam mong dapat mo na itong gawin. Pag-aari siya ng iba na pilit mong inaangkin at ikakapahamak mo lang ang patuloy mong pagkapit sa kanya. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 35 & 39

CAPRICORN

Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo sa araw na ito tungkol sa inyong pagsasama. Kung hindi mo ito gagawin ay alam mo na ang mga susunod na mangyayari kaya habang maaga pa ay magdedesisyon ka na.

Masuwerteng numero; 13 & 23

AQUARIUS

Pansamantala kang makakahinga mula sa mga problemang puso mo. Wala na kayong problemang haharapin at sa araw na ito ay magiging panatag at komportable ka sa piling niya. At ganoon din siya sa’yo. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 44 & 57

PISCES

Muling mababalik sa stress ang inyong pagsasama dahil sa mga gagawin mong pagdedesisyon na hindi hinihingi ang opinyon at suhesityon nya. Ito ang magiging mitsa ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 5 & 6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here