Love Horoscope; Mayo 28

214

ARIES

Dahil sa bago mong matutuklasan na kataksilan ng iyong kapareha ay panghihinaan ka na ng loob para sa inyong relasyon. Mapapag-isip mo na walang saysay ang pakikipaglaban mo para rito kung hindi siya magbabago.

Masuwerteng numero; 12 & 17

TAURUS

Isang bagong mangingibig ang makikilala sa araw na ito. Hindi mo mahahalata ang pag-ibig niya dahil sa masyadong tahimik niyang istilo. Gayunpaman, mararamdaman mo pa rin ito dahil likas na matalas ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 57 & 68

GEMINI

Hinding hindi mo sasayangin ang sakripisyo ng iyong mahal para sa’yo. Ikaw lagi ang inaalala niya kaya naman masuwerte ka sa kanya. Dahil dito ay sisikapin mo na mapalitan o masuklian ang kanyang pagmamahal.

Masuwerteng numero; 20 & 30

CANCER

May mahalaga kang bagay na matutuklasan sa iyong asawa. Hindi mo alam kung ikakatuwa mo ba ito o ikakalungkot at ikasasama ng loob. Ang sigurado mo lang ay babaguhin nito ang ilang parte sa inyong buhay.

Masuwerteng numero; 34 & 42

LEO

Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa iyong mahal. Ito ang pambawi niya sa nagawa niyang kasalanan sa’yo. Pero hindi ka muna bibigay. Mas gugustuhin mo muna na magpakipot at pahirapan siya ng konti.

Masuwerteng numero; 16 & 28

VIRGO

Hindi ka magiging okay sa sitwasyon nyo ngayon ng iyong karelasyon. Kung hahayaan mo na manatiling ganito ay ikaw din ang siyang mahihirapan. Kaya naman pag-iisipan mo kung paano mo maibabalik ang dati ninyong buhay. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 52 & 60

LIBRA

Hindi mo maiaalis sa iyong asawa ang pagdudahan ka dahil marami kang bagay na ililihim sa kanya. Marami kang hindi sasabihin dahil ayaw mo ng maraming tanong at pagpapaliwanag kaya lalo ka niyang paghihinalaan.

Masuwerteng numero; 18 & 21

SCORPIO

Sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng inyong pamilya, sa araw na ito ay pipiliin mo na magpahinga sa piling niya. Uubusin mo ang iyong oras sa pakikipagbonding sa iyong mahal hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 9 & 19

SAGITTARIUS

May takot man sa iyong puso ay susubukan mo pa ring magmahal muli. Ayaw mong magmukmok na lang dahil sa nabigong pag-ibig kaya upang maibsan ang iyong kalungkutan ay maghahanap ka ng bagong mapagbabalingan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 40 & 56

CAPRICORN

Hindi ka sigurado kung sino sa dalawang tao na parehong nagmamahal sa’yo ang pipiliin mo kaya hindi ka pa makakapagdesisyon ngayong araw. Kakailanganin mo pa ng panahon para mapag-isipan itong mabuti.

Masuwerteng numero; 62 & 74

AQUARIUS

Ang patuloy mong pagmamatigas sa iyong mahal ay magdudulot ng hindi maganda sa inyong pagsasama. Hindi siya ang tipo ng kapareha na magpapailalim at magpapasakop sa ‘yo tulad ng gusto mo.

Masuwerteng numero; 71 & 73

PISCES

Pakikiramdaman mo muna ang iyong sarili kung may pagmamahal ka pa sa kanya. Dahil matapos ang mga nangyaring hindi maganda sa pagitan nyo ay mararamdaman mo na hindi mo muna siya gustong makita. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 40 & 50

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here