Love Horoscope; Mayo 25

190

ARIES

Maganda ang magiging komunikasyon nyo ngayon ng iyong mahal kahit malayo kayo sa isa’t-isa. Meron kayong pagkakaunawaan na kayong dalawa lamang ang nakakaintindi at sapat na ito sa inyo para maging masaya.

Masuwerteng numero; 53 & 67

TAURUS

Hindi mo kakayanin ang mga salitang bibitawan sa’yo ng iyong kapareha sa buhay. Ang pagbibintang niya para sa’yo ay below the belt na at hindi mo ito mapapalampas. Kaya naman maba-bad trip ka buong araw.

Masuwerteng numero; 16 & 17

GEMINI

Susubukan mo kung hanggang saan ka kayang pagkatiwalaan ng iyong mahal. Mabibigo ka sa iyong inaasahan dahil mapapatunayan mo lang sa araw na ito kung gaano karupok at kababaw ang pagtitiwala niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 13 & 15

CANCER

Hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa sa kanya. Ang labis mong pag-asam sa kanyang pag-ibig ang magpapasigla sa bawat araw mo. Kahit pa hindi ganoon kalinaw ay magiging positibo ka pa rin sa pagtingin mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 20

LEO

Isang kaibigan ang magbabahagi sa’yo ng lihim niyang nararamdaman sa isang tao. Mabibigla ka dahil pareho pala kayo ng taong hinahangaan. Kaya naman magdadalawang isip ka na tuloy kung aamin ka rin sa kanya. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 45 & 50

VIRGO

Ang pikunan nyo sa umaga ay mauuwi rin sa lambingan. Kahit kasi magalit siya o magalit ka ay alam nyo na kung paano muling aamuin ang isa’t-isa. Kaya naman hindi nyo palilipasin ang maghapon nang hindi kayo nagkakaayos.

Masuwerteng numero; 18 & 19

LIBRA

Magiging masaya ang maghapong ito para sa inyong mag-asawa. Kahit pa pumalpak ang mga plano nyo sa inyong negosyo at sa iba pang bagay ay mananatili naman ang tiwala nyo sa isa’t-isa at pareho kayong aasa na susuwertehin din kayo.

Masuwerteng numero; 33 & 37

SCORPIO

Muli mong mararamdaman ang kahungkagan ng iyong lovelife. Dahil maiiwan kang mag-isa sa bahay kaya naman mararamdaman mo ng husto ang kalungkutan na pilit mong iniiwasan. Araw ito ng pagmumuni-muni.

Masuwerteng numero; 24 & 29 ©PhilippineOne.com

SAGITTARIUS

Ikakagulat mo ang mararamdaman sa inyong paghihiwalay. Pakiramdam mo ay isa kang ibon na nakalaya sa isang hawla. Magaan at walang pagsisisi kang mararamdaman sa iyong pagpapasya ngayong araw.

Masuwerteng numero; 2 & 11

CAPRICORN

Ang kalungkutan mo na dulot ng pag-ibig ay mapapawi ngayong araw dahil sa isang tao. Mag-eeffort siya para pasayahin ka dahil alam niya ang iyong pinagdaraanan. Ipagpapasalamat mo ang kagandahan ng kanyang loob.

Masuwerteng numero; 15 & 25

AQUARIUS

Hindi ikaw ang tipo ng tao na naniniwala sa true love lalo na sa forever. Pero ngayong araw ay kakainin mo ang sarili mong paniniwala dahil ipapanalangin mo, na ang kasalukuyan mo ng karelasyon ang iyong maging forever. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 21 & 31

PISCES

Ipagdaramdam mo ang pagkalimot ng iyong mahal sa inyong anibersaryo. Gayunpaman, hindi mo sisirain ang araw na ito dahil lang sa sama ng loob mo. Gagawin mo pa rin itong espesyal para sa kanya dahil mahal mo siya.

Masuwerteng numero; 34 & 58

***All your Panaginip, Pamahiin, Pahula, Palmistry, Gayuma, Love, Relasyon and more questions answered quickly***

Simula sa Mayo 7 sasagot kami ng katanungan sa inyong pahula sa kapalaran at kahulugan ng inyong panaginip at iba pa, ito po ay sa  ating Forum na natatagpuan sa https://filipinaproud.com

Halos lahat ng inyong mga tanung ay masasagot sa loob ng 24 oras. Kung nais mong tulong kung paano makasali o makapag sign in. Please message us. Salamat

Registration Instructions:

  • Go to https://filipinaproud.com  
  • Click on Join (top bar)
  • Add User Name  (one word or name or two words combined, example:  MissJenn)
  • Add Name and Password and confirm password.  Mobile not necessary
  • Select Register and you will be redirected to your profile page.

To add a new topic, choose Forum again from the top bar of the Main Page. 

Click on the Forum you want (ex: Astrology, Panaginip, Pahula, Gayuma) and then Add Topic (blue button).   Add title and then add your question in comment box.  View other requests for examples

One of our experts will answer as soon as possible

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here