Love Horoscope; Mayo 24

195

ARIES

Kahit na gustong gusto mong magpasya para sa isang mahalagang usapin sa pamilya ay hindi mo gagawin na lampasan ang iyong asawa lalo pa at ang maaapektuhan anuman ang inyong maging desisyon ay ang kanyang mga kamag-anak.

Masuwerteng numero; 45 & 46

TAURUS

Hindi mo maiiwasan na hindi magtampo sa iyong mahal dahil inaasahan mong ikaw ang kanyang kakampihan kaysa sa iyong mga in-laws. Pero mas pipiliin niya na pakinggan ang paliwanag nila kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 7 & 18

GEMINI

Ma-iinvolve ka sa isang may asawang tao. Natural lamang na makaramdam ka ng pagkapahiya at kirot sa damdamin pero sa kabila nito ay mananatili kang nakakapit sa kanya at sa tingin mo ay hindi mo pa siya makakayang iwasan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 20 & 32

CANCER

Ang tao na laging laman ng iyong isipan ang siyang tao rin na palaging nag-iisip tungkol sa’yo. May balak siyang makipaglapit sa’yo pero nakakaya pa niyang kontrolin ang kanyang sarili. Mararamdaman mo ang pagnanais niyang ito.

Masuwerteng numero; 11 & 17

LEO

Hindi ka mawawalan ng puwang sa puso niya. Kahit na hindi kayo nagkikita at nagkakasama sa ngayon ng personal ay mananatili kang laman ng kanyang isip at ganoon ka rin sa kanya. Dasal at tiwala sa isa’t-isa ang inyong kakapitan. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 5 & 10

VIRGO

Hindi mo mapipigilan ang bugso ng iyong damdamin sa oras na makita mo ang tao na nanakit sa puso mo. Ang komprontahin siya sa kanyang nagawa ang tanging makapagpapagaan ng loob mo kaya ito ang gagawin mo.

Masuwerteng numero; 46 & 66

LIBRA

Love is blind. Ito ang definition ng pag-ibig na iiral sa’yo ngayon. Dahil kahit anong kamalian ang makita mo sa kanya ay patuloy ka pa ring magbubulag bulagan at patuloy mo pa rin siyang mamahalin kahit buong mundo pa ang kumontra.

Masuwerteng numero; 30 & 37

SCORPIO

Kahit na ayaw mong pagkumparahin ang dati at kasalukuyan mong pag-ibig ay hindi mo maiiwasan na gawin ito dahil sa laki ng kanilang pagkakaiba. Mahihirapan ka na pakisamahan ang bago kaya maiisip mo ang iyong ex.

Masuwerteng numero; 20 & 31

SAGITTARIUS

Walang sinuman sa iyong pamilya ang tututol sa bago mong sa karelasyon.Hindi dahil pasado siya sa kanila kundi dahil alam nila na kapag kumontra sila ay hindi mo rin naman tatanggapin at magkakasamaan lang kayo ng loob. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 14 & 24

CAPRICORN

Ikaw ang magiging sandalan at tagapagligtas ngayon ng iyong mahal mula sa kanyang mga kaaway. Kahit hindi mo alam ang puno’t dulo ay desidido ka na kampihan siya at ipagtanggol laban sa kahit na sinong kumanti sa kanya.

Masuwerteng numero; 1 & 2

AQUARIUS

Isang bagong pag-ibig ang sisibol sa pagitan nyo ng isang dating kaibigan. Ang muli ninyong pagtatagpo sa social media ang siyang magbubukas ng pintuan para sa inyo para sa isang bagong relasyon na puno ng excitement.

Masuwerteng numero; 33 & 49

PISCES

Kahit na labag sa kalooban mo ay wala ka ng ibang mapagpipilian kundi isuko ang relasyon na hindi ukol sa’yo. Sawa ka na at pagod ka ng ipaglaban siya lalo pa at hindi mo maramdaman ang kanyang sinseridad na ipaglaban ka rin.

Masuwerteng numero; 52 & 57

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here