Love Horoscope; Mayo 23

96

ARIES

Masusubukan mo ngayon kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa’yo. Sa kabila ng madalas ninyong pagtatalo, sa huli ay ikaw pa rin ang kanyang pipiliin kahit alam niya na hindi na buo ang tiwala mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 5 & 18

TAURUS

Sa sandaling matapos na ang problemang pinagdadaanan nyo ngayon ng iyong mahal ay kakailanganin mo nang magdesisyon para sa inyong ikabubuti. Kailangan mo itong pag-isipan ng husto bago ka magbitaw ng pasya.

Masuwerteng numero; 13 & 16

GEMINI

Ang sobra niyang pagiging maalalahanin ang siyang magiging dahilan para mahulog ang loob mo sa kanya. Base sa kanyang mga ikikilos at gayundin sa pananalita sa’yo ay iisipin at mararamdaman mo talaga na gusto ka niya.

Masuwerteng numero; 8 & 10

CANCER

Kahit na nakakausap mo ang iyong mahal sa internet ay hindi pa rin ito sasapat sa’yo para mawala ang iyong mga pangamba. Mananatili kang nag-aalala sa kanyang kalagayan at hindi ka matatahimik hangga’t hindi siya nakakauwi.

Masuwerteng numero; 45 & 55

LEO

Dahil sa comment sections sa social media ay matutuklasan mo na may ibang karelasyon ang iyong mahal. Natural lamang na labis kang masaktan, pero ang mas masakit sa’yo ay yung hindi mo siya makayang iwasan.

Masuwerteng numero; 23 & 32

VIRGO

Magiging kumplikado ngayon ang inyong pagsasama dahil sa patuloy mong pakikinig sa ibang tao at hindi sa kanya. Kaya naman magugulat ka na lang at siya na mismo ang didistansya sa’yo para makapag-isip ka.

Masuwerteng  numero; 30 & 31

LIBRA

Ito na ang tamang panahon para bumitaw ka sa inyong relasyon. Sa wakas ay makakapagdesisyon ka na rin ng pabor naman sa sarili mo. Sapat na ang napakaraming pagkakataon na ibinigay mo sa kanya para masagip ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 52 & 64

SCORPIO

Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kahit madagdagan pa ang iyong edad ay hindi mo poproblemahin ang iyong lovelife. Masaya kang maging single na nagagawa ang lahat ng gusto sa kahit na anong oras.

Masuwerteng numero; 16 & 19

SAGITTARIUS

Magiging masaya ang bonding nyong mag-asawa ngayong araw. Ang kumpleto at malusog ninyong pamilya ang inyong sandalan at dahilan ng inyong kasiyahan sa araw-araw at idadalangin mo na hindi na ito magbago.

Masuwerteng numero; 5 & 10

CAPRICORN

Mauubusan ka ng dahilan sa iyong kinakasama kaya naman sa araw na ito ay mapipilitan kang aminin sa kanya ang isang bagay na ayaw mo na sanang sabihin. Kahit nanlalamig ka na sa kanya ay hindi mo pa rin gusto na siya ay iyong masaktan.

Masuwerteng numero; 11 & 21

AQUARIUS

Ang chance mo na mapalapit sa taong lihim mong minamahal ay lilipad at maglalaho dahil sa sobra mong kaabalahan sa trabaho. Magugulat ka na lang na wala na pala siya sa tabi mo at malabo na ang pagkakataon na pinalampas mo.

Masuwerteng numero; 47 & 75

PISCES

Ito ang araw na gugugulin mo ang iyong panahon at effort sa paglalambing sa iyong kapareha. Gusto mo na maramdaman niya ang tunay mong pagmamahal upang hindi na siya maghanap at tumingin pa sa iba.

Masuwerteng numero; 3 & 6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here