Love Horoscope; Mayo 22

106

                                                                                Madame Yna

ARIES

Ang balak ninyong pumunta sa isang tahimik na lugar ay hindi nyo pa rin maisasagawa ngayon. Marami pang problema na dapat nyo munang ayusin.Marami rin kayong kailangan pang pagbayaran bago harapin ang panibagong gastos.

Masuwerteng numero; 12 & 17

TAURUS

Hindi solusyon ang paghahanap ng bagong pag-ibig para makalimutan ang isang bigong pag-ibig. Iyan ang mare-realize mo ngayong araw kaya sa halip na mag-entertain ng bagong pag-ibig ay mananahimik ka na lang muna.

Masuwerteng numero; 23 & 28

GEMINI

Sa kabila ng bibitawan mong maaanghang na mga salita ay mananatiling tikom ang bibig ng iyong kapareha. Magtataka ka dahil mukhang wala siyang balak na patulan ka at kontrahin ang iyong mga sinasabi.

Masuwerteng numero; 10 & 15

CANCER

Ang katigasan ng iyong ulo lalo na pagdating sa pag-ibig ang siyang magiging mitsa para makapasok ka sa isang hindi magandang sitwasyon. Wala kang mapagpipilian kundi humanap ng paraan kung paano ito lalabasan.

Masuwerteng numero; 40 & 47

LEO

Isang dating kaibigan ang magpaparamdam sa’yo ngayon kaugnay ng kanyang tunay na nararamdaman para sa’yo. Magugulat ka pero hindi mo na ito bibigyan ng pansin dahil meron ka ng karelasyon na pinapasaya ka.

Masuwerteng numero; 18 & 20

VIRGO

Susubukan mong kumbinsihin ang iyong mahal na magbukod na kayo ng tahanan. Kung hindi mo siya mapapayag ay lalo lamang lalala ang hidwaan sa pagitan nyo ng iyong mga in-laws kaya gagawin mo ang lahat para makumbinsi siya.

Masuwerteng numero; 48 & 56

LIBRA

Magiging maingat ka na ngayon sa mga salitang bibitawan mo sa iyong karelasyon. Ang nakaraan mong pagkakamali ng paghusga sa kanya ay nagdulot ng iyong pagkapahiya at lamat sa inyong pagsasama. Alam mong hindi niya agad ito makakalimutan.

Masuwerteng numero; 53 & 59

SCORPIO

Dahil sa matatalim na dila ng mga tsismosa sa inyong lugar ay mapapahamak ka sa iyong asawa. Mas paniniwalaan niya ang mga sasabihin nila kaysa sa mga paliwanag mo kaya ikakasama mo ito ng loob sa kanya.

Masuwerteng numero; 41 & 48

SAGITTARIUS

Mag-ingat sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan mo. Isa sa kanila ang may motibong agawin ang iyong mahal. Hindi mo ito mahahalata dahil magaling siyang magtago at dumiskarte kaya kailangan mong talasan ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 30 & 33

CAPRICORN

Ang buong maghapon at magdamag ay gugugulin mo sa pagmumukmok. Kahit na ano pang sabihin ng mga taong nagmamalasakit sa’yo para i-cheer up ka ay wala kang pakikinggan maski isa sa kanila. Magpapakalunod ka pa rin sa kabiguan sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 9 & 14

AQUARIUS

Labis kang mag-aalala sa kalagayan ng iyong mahal. Alam mo na kailangang kailangan ka niya sa mga panahon na ito pero wala kang magawa dahil malayo ka sa kanya. Mag-iisip ka pa ng paraan kung paano siya matutulungan.

Masuwerteng numero; 7 & 13

PISCES

Isang dating pag-ibig ang muling kakatok sa iyong puso. Bagamat wala kang karelasyon ngayon ay wala ka ring balak na muli siyang patuluyin. Ayaw mo nang balikan ang mga hindi magandang karanasan mo sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 16 & 25

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here