Love Horoscope; Mayo 21

134

ARIES

Mawawalan ka ng gana sa iyong mahal dahil hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan mo sa araw na ito. Ang buong maghapon mo hanggang magdamag ay magiging malamlam at walang buhay dahil sa pagtatampo mo.

Masuwerteng numero; 71 & 72

TAURUS

Hindi sasapat para sa iyong kapareha ang effort na ipapakita mo para sa espesyal na okasyon ninyong dalawa. Makukulangan siya at sasama ang loob dahil sa konting effort at atensyon na ibibigay mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 50 & 63

GEMINI

Magugulat ka sa kakaiba niyang paglalambing ngayong araw. Bagamat sadya siyang malabing na tao, bilang kapareha ay kabisado mo na kung paano siya maglambing sa’yo at ngayong araw ay tila kakaiba ang paraan na ipapakita niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 16 & 19

CANCER

Malilito ka kung sino nga ba sa dalawang tao ang tunay na itinitibok ng puso mo. Pakiramdam mo ay pareho mo silang mahal dahil pareho silang nagpapasaya sa’yo. Subalit kailangan mong pumili sa lalong madaling panahon.

Masuwerteng numero; 23 & 28

LEO

Palaging una sa iyong prayoridad ang iyong mahal. Lagi mo rin siyang pinapakinggan sa lahat ng kanyang sasabihin. Ganyan kalaki ang tiwala mo sa kanya kaya hindi mo na mapapansin ang iba niyang agenda sa buhay.

Masuwerteng numero; 5 & 7

VIRGO

Hindi ka manhid kaya naman ang pagbabago ng iyong kapareha sa buhay ay agad mong mapapansin. Subalit tulad ng inaasahan mo ay  hindi niya ito aaminin sa’yo at gagawin ka lang niyang mapaghinala ng walang basehan.

Masuwerteng numero; 10 & 12

LIBRA

May malaking leksyon kang matututunan ngayon mula sa isang huwad na pag-ibig. Sa kabila ng labis mong kalungkutan ay panghahawakan mo ang leksyon na ito kaya sisikapin mo na makamove on kaagad.

Masuwerteng numero; 15 & 25

SCORPIO

Walang dahilan basta bigla mo na lang maiisip ang iyong ex. Alam mo sa sarili mo na wala ka ng pagmamahal sa kanya kaya magtataka ka kung bakit buong maghapon siyang magiging laman ng isipan mo.

Masuwerteng numero; 9 & 13

SAGITTARIUS

Magiging abala ka sa paghahanda ng sorpresa para sa iyong mahal. Gugugulin mo ang buong araw mo sa pag-iisip pa ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya sa espesyal niyang araw. Buong puso mo itong gagawin para sa kanya.

Masuwerteng numero; 4 & 6

CAPRICORN

Hindi mo magugustuhan ang desisyong gagawin ng iyong karelasyon kaya naman hindi mo ito sasang-ayunan. Sa halip ay bibigyan mo siya ng iba pang option na maaari niyang pagpilian at maaaring makabuti.

Masuwerteng numero; 2 & 11

AQUARIUS

Walang wala sa isip mo ang gagawing pagtatapat sa’yo ng isang nagmamahal. Sa araw-araw ninyo dati sa trabaho ay ni wala kang naramdaman kahit katiting na pagtingin niya sa’yo kaya ikakagulat mo ang sasabihin niya ngayon.

Masuwerteng numero; 27 & 29

PISCES

Makakasalamuha mo na ngayon ang iyong truelove subalit hindi pa ito ang nakatakdang araw na kayo ay magkakakilala. Ang pagkukrus ng landas nyo ngayon ay hindi na mapipigilan dahil ito ay nakatakda kahit pa hindi nyo ito alam.

Masuwerteng numero; 30 & 34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here