Love Horoscope Mayo 15, 2022

ARIES

May aral kang mapupulot mula sa iyong kapareha kaugnay sa pagpapatakbo ng inyong negosyo. Dahil dito ay mare-realize mo na hindi ka nagkamali ng pagpili sa kanya bilang kapareha at katuwang mo sa buhay.

Masuwerteng numero; 12 & 16

TAURUS

Maiipit ka sa isang hindi inaasahang sitwasyon kaya naman mapapaamin ka ng iyong mga kaibigan kung sino ang tao na napupusuan mo. Dahil dito ay mahihiya ka ng humarap sa kanya at maaalangan na kausapin siya.

Masuwerteng numero; 10 & 20

GEMINI

Magiging kumpleto ang araw mo dahil sa pagpapasayang gagawin sa’yo ng taong mahal mo at nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Kaya naman ang araw na ito ay tatatak na sa isip at puso mo at hindi mo na makakalimutan pa.

Masuwerteng numero; 17 & 22

CANCER

Ikatutuwa mo ang muling pagpaparamdam sa’yo ng iyong ex. Dahil available ka pa rin naman kaya aasa ka na may pagbabalikang magaganap sa inyong dalawa. Kailangan mo lang siguruhin na malaya pa rin siya tulad mo.

Masuwerteng numero; 28 & 30

LEO

Hindi mo maiiwasan ang isang tao na may labis na paghanga sa’yo. Para siyang stalker na nakabantay sa bawat kilos mo’t galaw kaya hindi mo rin maiiwasan na makadama ng takot lalo na kapag nasa paligid lang siya.

Masuwerteng numero; 35 & 45

VIRGO

Magkakaroon ka ng bagong pag-ibig nang hindi mo namamalayan. Ang taong ito ay nasa paligid mo lang at nakakasama sa araw-araw subalit hindi mo pa siya mapagtutuunan ng pansin dahil abala ka pa pero mararamdaman mo siya.

Masuwerteng numero; 40 & 53

LIBRA

Yung akala mo ay tapos na ang problema mo sa iyong karelasyon pero hindi pa pala. Ngayong araw ay matutuklasana mo na meron na naman siyang pinasok na gulo. As usual ay ikaw na naman ang lulutas nito para sa kanya.

Masuwerteng numero; 67 & 70

SCORPIO

Dahil sa kinikimkim mong sama ng loob kaya naman hindi mo mapapakiharapan ng maayos ang iyong asawa. Gustong gusto mo nang ipamukha sa kanya ang kanyang mga kamalian pero makakaya mo pa ring pigilan ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 17 & 18

SAGITTARIUS

Iba ang magiging dating sa’yo ng pasaring ng iyong karelasyon. Kaya naman ang simpleng asaran ninyong dalawa ay mauuwi sa isang malaking hindi pagkakaunawaan at may ibang tao pa na madadamay.

Masuwerteng numero; 41 & 47

CAPRICORN

Sa wakas ay matutuloy na rin ang plano nyong pagbabalik sa probinsya ng iyong asawa. Sasamantalahin nyo na ito at hindi na palalampasin pa ang pagkakataon dahil sabik na rin kayong makabalik pareho sa inyong bayan.

Masuwerteng numero; 34 & 35

AQUARIUS

Ngayong araw ay makikita mo ang effort ng iyong asawa para matustusan ang lahat ng pangangailangan ng inyong pamilya kaya naman mag-iisip ka ng paraan kung paano maibabalik sa kanya ang kanyang kabutihan.

Masuwerteng numero; 64 & 69

PISCES

Ang inaasahan nyong pagkikita ngayon ay hindi matutuloy dahil sa isang biglaang pangyayari. Kaya naman mapipilitan kayong magset ng panibagong araw at plano para sa muli ninyong pagsasama sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 24 & 26

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here