Love Horoscope; Marso 26

74

ARIES

Hindi magiging maayos ang pag-uusap nyo ng iyong mahal kung palagi mong babanggitin sa kanya ang hindi magandang pangyayari sa inyong nakaraan. Palagi lamang itong magiging mitsa ng inyong pag-aaway.

Masuwerteng numero; 6 & 16

TAURUS

Kung meron mang tao na higit na nakakaunawa sa’yo ngayon, iyon ay walang iba kundi ang iyong kapareha. Hindi man niya malaman ang puno’t dulo ng pinanggagalingan ng iyong sentimyento ay pilit ka pa rin niyang uunawain.

Masuwerteng numero; 7 & 8

GEMINI

Huwag mong kainipan ang kanyang pagdating dahil masyado pang mahaba ang kanyang lalakbayin bago siya  makarating sa iyong kinaroroonan. Parang butas ng karayom ang kanyang pagdaraanan kaya ipagdasal mo ang kanyang kaligtasan.

Masuwerteng numero; 20 & 30

CANCER

Ang iyong mahal ay hindi ang tipo ng tao na magpapadikta. May sarili siyang isip na palagi niyang pinaninindigan kahit pa sino ang kanyang makaharap. Wala siyang ibang hihilingin sa’yo kundi ang iyong suporta.

Masuwerteng numero; 45 & 54

LEO

Maalinsangan ang araw na ito para sa’yo. Ang lahat ay hindi papabor sa gusto mo kaya naman mas pipiliin mo na lang ang magkulong sa kuwarto at makipagchat sa tao na nagpapasaya ng puso mo sa kasalukuyan.

Masuwerteng numero; 14 & 24

VIRGO

Maiimbyerna ka sa iyong kapareha dahil sa kanyang pagiging careless. Pakiramdam mo ay wala siyang pakialam sa lahat ng bagay at sa kanyang mga ginagawa kaya tuturuan mo siya ng leksyon na hindi niya maiiwasan.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LIBRA

Walang magaganap na pagbabago sa pagsasama nyo ng iyong karelasyon. Mananatili siyang pasaway sa’yo at mananatili ka ring stress sa kanya. Walang mababago hangga’t hindi ka nagdedesisyon na bumitaw sa kanya.

Masuwerteng numero; 34 & 40

SCORPIO

Huwag mong i-under estimate ang iyong mahal dahil ngayong araw ay patutunayan niya sa’yo kung ano ang kaya niyang gawin para sa iyo at sa inyong pamilya. Maghihintay ka na lamang sa magandang resulta nito.

Masuwerteng numero; 40 & 43

SAGITTARIUS

Hindi magiging sapat ang effort mo para makita niya ang iyong worth. Pero wala ka ng dapat gawin. Hintayin mo na lang ang kanyang magiging pasya at kailangan mo itong tanggapin pabor man o hindi sa’yo.

Masuwerteng numero; 17 & 18

CAPRICORN

Aasa ka lang sa wala. Kahit na anong gawin mo ay hindi ka niya mapagtutuunan ng pansin ngayon dahil masyado siyang abala sa ibang bagay. Matagal pa ang ipaghihintay mo kung talagang nais mo na mapansin ka niya.

Masuwerteng numero; 23 & 32

AQUARIUS

Never kang mahuhulog sa isang katulad niya. Iyan ang salitang palagi mong binibitawan sa harap ng mga kaibigan at kapamilya. Pero mukhang kakainin mo ang mga sinabi mo ngayon na magsisimula ka ng mahulog sa kanya.

Masuwerteng numero; 66 & 68

PISCES

Hindi mo inaasahan na mamimiss mo siya. Ang akala mo ay kakayanin mo ang matagal ninyong pagkakalayo pero ilang araw pa lang ang lumilipas ay hinahanap hanap mo na siya at babalutin ka ng lungkot sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 26 & 29

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Marso 26
Next articlePAANO GAGAWING MASUWERTE ANG MGA BINTANA SA INYONG BAHAY

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here