Love Horoscope; Hunyo 5

Maestro Honorio Ong

ARIES

Isang malaking lesson ang matututunan mo mula sa iyong mahal. Kaya naman sa halip na ituloy ang binabalak na pakikipaghiwalay sa kanya ay mas pipiliin mo na lang na manatili sa kanyang tabi at patuloy siyang mahalin.

Masuwerteng numero; 15 & 30

TAURUS

Kakainin ka ngayon ng selos dahil sa malalaman mo tungkol sa iyong mahal sa social media. Hindi mo gusto ang isipin na bukod sa’yo ay meron pang ibang tao na may labis na paghanga sa kanya kaya naman ngangatngatin ka ng selos.

Masuwerteng numero; 18 & 20

GEMINI

Kung dati ay binabalewala mo lang ang pag-aasikaso at pag-aalala sa’yo ng isang tao, ngayon ay labis mo na itong maa-eppreciate dahil sa unti-unting pagkahulog ng loob mo sa kanya. Wala kang balak na itago ang iyong damdamin.

Masuwerteng numero; 57 & 64

CANCER

Yung akala mo ay wala ka talagang pag-asa sa kanya, ngayong araw ay matutuklasan mo mula sa ibang tao na ang taong lihim mong minamahal ay lihim ding nagmamahal sa’yo kaya naman ang magiging pakiramdam mo ay nakatapak ka sa ulap.

Masuwerteng numero; 29 & 30

LEO

May bagong darating sa buhay mo na magpapabilis ng tibok ng puso mo. Hindi mo ito inaasahan at hindi ka handa kaya naman magkakaroon ng pagkalito ang iyong damdamin dahil meron kang kasalukuyang karelasyon.

Masuwerteng numero; 25 & 26

VIRGO

Natural sa pagkatao mo ang pagiging sport kaya naman kahit pa pagkatalo sa pag-ibig ang iyong maranasan ay tatanggapin mo pa rin ito ng bukal sa iyong kalooban tulad sa isang pagkalugi sa negosyo o pagkatalo sa laro.

Masuwerteng numero; 36 & 38

LIBRA

Kahit na gaano kagulo ang relasyon nyo ngayon ay mananatiling buo pa rin ang pagmamahal mo sa kanya. Wala kang balak na pakinggan ang sinasabi ng iba laban sa kanya hangga’t hindi ito nagmumula mismo sa kanyang bibig.

Masuwerteng numero; 5 & 9

SCORPIO

Sa araw na ito ay patutunayan sa’yo ng iyong kapareha kung gaano ka niya kamahal at kung gaano kahalaga ang relasyon nyo para sa kanya. Patutunayan niya sa’yo na mali ang iniisip mo sa kanya at sa kanyang mga naging desisyon.

Masuwerteng numero; 11 & 14

SAGITTARIUS

Masakit man pareho sa inyong kalooban ay wala kayong ibang pagpipilian sa ngayon kundi maghiwalay muna ng landas at pansamantalang iwan ang inyong relasyon. Kailangan mo munang ayusin ang problema sa side mo.

Masuwerteng numero; 1 & 29

CAPRICORN

Hindi mo masisisi ang iyong mga magulang kung hadlangan man nila ang iyong kaligayahan ngayon dahil alam nilang magiging sanhi rin ito ng kabiguan mo sa hinaharap. Alam mong hangad nila ang tunay mong kaligayahan sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 8 & 9

AQUARIUS

Hindi ka mabibigo sa inaasahan mo sa iyong karelasyon sa araw na ito at sa mga susunod pa. Mapapatunayan mo sa sarili na hindi ka nagkamali nang pagpili sa kanya kaysa sa dati mong minahal na pinili mong iwanan.

Masuwerteng numero; 16 & 21

PISCES

Isang sorpresa ang matatanggap mo mula sa iyong asawa. Sanay ka na, na lagi ka niyang sinosorpresa sa mahahalagang araw at okasyon para sa inyong dalawa, subalit mas kakaiba at nakakaluha ang sorpresang matatanggap mo ngayon.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here