Love Horoscope; Hunyo 4

232

ARIES

Gaano man kasakit sa’yo ay kakailanganin mo nang pakawalan ang tao na dahilan ng iyong kasiyahan. Dahil kung hindi mo ito gagawin ay alam na alam mo na siya rin ang magiging dahilan ng iyong kabiguan at pagbagsak.

Masuwerteng numero; 19 & 20

TAURUS

Ito na ang pinakahihintay mong araw kasama ang tao na minamahal mo. Isang hindi inaasahan at hindi malilimutang pangyayari ang mamamagitan sa inyo at pareho kayong aamin sa isa’t-isa ng inyong nararamdaman.

Masuwerteng numerol 29 & 30

GEMINI

Hindi ka pa sigurado sa iyong sarili kung handa ka na nga bang makipagrelasyon muli kaya naman bibigyan mo pa ang sarili ng sapat na panahon para makapag-isip. Ayaw mo na ulit na magkamali kaya pag-iisipan mo muna itong mabuti.

Masuwerteng numero; 45 & 56

CANCER

Wala kang balak na itago kaninuman ang espesyal mong nararamdaman sa isang tao kaya naman kahit malaman pa ito ng ilan sa iyong mga kaibigan ay okay lang sa’yo at kahit pa makaabot pa ito sa mismong tao na espesyal sa’yo.

Masuwerteng numero; 10 & 13

LEO

Hindi mo alam kung paano mo itatago sa iyong karelasyon ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong ex tungkol sa negosyo. Kahit pa wala itong ibang kulay para sa inyo ng ex mo ay alam mong iba pa rin ang iisipin ng kasalukuyan mong karelasyon. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 9 & 19

VIRGO

Sa dami ng mga dahilan na naipon mo ay hindi ka na mahihirapan ngayon na bumitaw sa inyong pagsasama. Hindi mo gugustuhin na makasama sa habambuhay ang isang tao na walang tiwala at respeto sa’yo.

Masuwerteng numero; 20 & 30

LIBRA

Ang mahal mo ang iyong kalakasan subalit siya rin ang iyong kahinaan. Kaya naman mahihirapan ka na magpasya ngayong araw kung ano ang iyong susundin, puso ba o isip? Wala kang balak na hingin ang opinyon ng iba.

Masuwerteng numero; 4 & 6

SCORPIO

Hindi ka malas sa pag-ibig. Sadyang hindi pa lang dumarating sa buhay mo ang tao na magiging ka-compatible ng iyong puso. Kaya hayaan mo lang sila na dumating at umalis sa buhay mo. Kailangan mnong magpokus muna sa ibang bagay. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 17 & 28

SAGITTARIUS

Hindi mo matatagpuan sa social media ang iyong magiging kabiyak. Sa halip ay makikita mo siya sa isang mahalagang pagtitipon na malayo pang mangyari sa ngayon. Maghintay ka lang at walang makakapigil sa kanyang pagdating sa tamang panahon.

Masuwerteng numero; 36 & 56

CAPRICORN

Mapapawi ang agam-agam mo sa iyong mahal dahil ngayong araw ay makikita mo ang effort niya na pasayahin ka. Ipagluluto ka niya ng paborito mo na hindi niya dating ginagawa kaya naman labis kang masisiyahan.

Masuwerteng numero; 12 & 15

AQUARIUS

Kahit na meron kang pagdududa sa kanya ay wala kang balak na tanungin siya o komprontahin siya. Kung anuman ang mali sa inyong relasyon ay hihintayin mo na sa kanya mismo manggaling upang wala kang pagsisihan sa huli. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 32 & 42

PISCES

Dumating na ang araw na kailangan nyo na naman maghiwalay ng landas upang gawin ang mga dapat ninyong gawin para sa pamilya nang magkalayo. Natural lamang na mapuno ng kalungkutan ang araw na ito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 53 & 59

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here