Love Horoscope; Hunyo 30

117

ARIES

Kahit anong pagpipigil ang gawin mo sa sarili ay hindi mo pa rin maiiwasan ang estrangherong damdamin mo para sa kanya. Hahanap-hanapin mo pa rin siya sa bawat oras at araw na darating at lilipas.

Masuwerteng numero; 5 & 12

TAURUS

Wala kang magagawa kung nais na niyang tuldukan ang inyong relasyon. Wala ka namang ibang masisisi kundi ang sarili mo dahil pinabayaan mo na manlamig ang inyong pagsasama na mauuwi ngayon sa hiwalayan.

Masuwerteng numero; 17 & 20

GEMINI

Sa kalagayan mo ngayon ay umasa ka na hindi ka iiwanan ng iyong karelasyon. Hindi mababaw ang pagmamahal niya sa’yo kaya naman sa hirap at ginhawa at sa sakit man ay mananatili pa rin siya sa iyong tabi.

Masuwerteng numero; 33 & 44

CANCER

Dahil sa kakaisip mo sa tao na lihim mong minamahal, pati panaginip mo ay papasukin na rin niya. Siya na nga ang laman ng iyong isip sa maghapon ay siya pa rin ang magiging laman nito hanggang sa pagtulog at panaginip mo.

Masuwerteng numero; 11 & 13

LEO

Maghihintay ka lang sa wala. Hindi darating ang iyong mahal para tumupad sa usapan nyo ngayon. Anuman ang kanyang dahilan, valid man o hindi ay hindi mo maiiwasan na makadama ng pagkainis sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 40

VIRGO

Matapos ang hindi nyo pagkakaunawaan nitong mga nakaraang araw ay susubukan mo siyang tawagan ngayon para makausap. Pero huwag kang umasa na sasagutin niya ang tawag mo dahil hindi pa humuhupa ang sama ng loob niya.

Masuwerteng numero; 6 & 18

LIBRA

Kung nagbabalak ka na ipilit sa kanya ang kagustuhan mo tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa inyong kabuhayan ay huwag mo ng ituloy dahil alam na alam mo naman na sa umpisa pa lang ay tutuol na ang iyong mahal dito.

Masuwerteng numero; 15 & 25

SCORPIO

Maaaliw ka sa talentong ipapakita ng iyong mahal. Hindi mo ito dating nakikita sa kanya kaya maninibago ka. Pero handa kang suportahan siya dito dahil alam mo na ikasisiya niya kapag naimprove niya ito.

Masuwerteng numero; 52 & 63

SAGITTARIUS

Ikaw na mismo ang gagawa ng paraan para makalabas sa hindi magandang sitwasyon na kinasuungan niya ang iyong karelasyon. Pero sisiguraduhin mo na huling beses mo na siyang tutulungan pagdating sa ganitong bagay.

Masuwerteng numero; 21 & 32

CAPRICORN

Inaasahan ng asawa mo ang suporta mo sa kanyang passion pero wala siyang mahihita sa’yo dahil may sarili kang pinagkakaabalahan. Hindi mo maibibigay ang pabor na hinihingi niya kaya ipagdaramdam niya ito.

Masuwerteng numero; 6 & 12

AQUARIUS

Kahit na alam mong hindi mo na dapat ipaglaban ang relasyon nyo ay sisige ka pa rin. Wala kang pakikinggan maski ang mga tao na tunay na nagmamalasakit sa’yo. Dapat maging handa ka sa kalalabasan ng katigasan ng iyong ulo.

Masuwerteng numero; 17 & 27

PISCES

Ngayon na nasa mahirap na kalagayan ka ay mapapatunayan mo kung hanggang saan ka makakayang tulungan ng iyong karelasyon. Malalaman mo ang hangganan ng kanyang pagmamahal at ikaw na mismo ang magpapasya kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 35 & 54

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here