Love Horoscope Hunyo 27, 2022

ARIES

Wala kang dapat ipag-alala sa nakaraan mong pag-ibig. Hindi ito magiging sagabal sa kasalukuyang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa pagitan nyo ng isang malapit na kaibigan. Ang nakaraan mo ay mababaon na lang sa limot.

Masuwerteng numero; 15 & 33

TAURUS

Ikaw ang siyang magdedesisyon kung dapat ka ng bumitaw o hindi pa sa inyong relasyon. Kung nais mo pa itong maayos kakailanganin mong ibaba ang iyong pride. Hindi masamang magpakumbaba sa taong minamahal mo.

Masuwerteng numero; 11 & 20

GEMINI

Magiging masaya ka ngayon sa piling ng iyong mahal dahil may solusyon na ang problemang kinakaharap nyo. Kaya naman sa araw na ito ay wala kayong iisiping pareho kundi ang kaligayahan ng isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CANCER

Mababaling ang atensyon mo sa isang tao dahil sa labis niyang kabaitan sa’yo. Idagdag pa ang kanyang pagiging maalalahanin  sa halos lahat ng oras na magkasama kayo kaya mapapaisip ka kung ano nga ba ang intensyon niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 14 & 35

LEO

Wala kang magagawa para baguhin ang isip ng iyong mahal. Alam mo kung bakit siya nagdesisyon na pansamantalang lumayo at dumistansya sa’yo. No choice ka kundi ibigay sa kanya ang space ka kailangan niya.

Masuwerteng numero; 17 & 23

VIRGO

Iinit ng husto ang ulo mo dahil sa mababalitaan mong ginagawa ng iyong mahal sa tuwing hindi kayo magkasama. Gayunpaman, wala kang balak na komprontahin siya sa halip ay dadaanin mo siya sa isang silent war.

Masuwerteng numero; 6 & 9

LIBRA

Ang labis mong pangungulila sa iyong kapareha ay matutugunan ng ibang tao. Hindi mo ito gustong mangyari pero mahihirapan kang iwasan ito kaya naman ihanda mo na ang sarili sa isang kumplikadong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 48 & 59

SCORPIO

Lalo pang tataas ang pagtingin mo sa iyong kapareha sa buhay dahil sa gitna ng inyong paghihirap ay lalabas ang talento niya sa pagdiskarte upang mapabuti ang inyong kalagayan. Kaya naman hahangaan mo siya ng labis.

Masuwerteng numero; 18 & 19

SAGITTARIUS

Ang tao na inaakala mong may pagtingin sa’yo ay bigla na lang manlalamig na para bang hindi ka niya kilala. Kaya naman hindi mo maiiwasan na mapaisip kung ano ang dahilan ng biglaang pagdistansya niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 33 & 37

CAPRICORN

Malaki ang magiging improvement ng inyong relasyon dahil susundin mo ang mga payo sa’yo ng mga kaibigan mong meron ng karanasan. Alam mo kasing para sa ikabubuti mo ang hangad nila kaya ito ang paiiralin mo sa iyong kapareha.

Masuwerteng numero; 20 & 40

AQUARIUS

Hindi ka magsasawang pangaralan ang iyong karelasyon tungkol sa mahahalagang bagay na hindi pa niya lubos na naiintindihan. Tinanggap mo ang kanyang kahinaan kaya nagpasya kang ikaw na rin ang mag-aadjust.

Masuwerteng numero; 12 & 21

PISCES

May third party na susulpot nang hindi inaasahan sa inyong pagsasama. Pero sa halip na problemahin ito ay ipagpapasa-Diyos mo na lang ang magiging kapalaran ng inyong relasyon kaysa magpaka-stress ka sa wala namang kasiguruhan.

Masuwerteng numero; 30 & 35