Love Horoscope Hunyo 24, 2022

ARIES

Sa gustuhin mo man o hindi ay  hindi mo mapipigilan ang pagkakaroon ng third party sa relasyon nyo. Wala sa’yo ang pagkakamali at wala rin sa kanya, kundi ito ay kautusan ng tadhana na nakatakdang maganap.

Masuwerteng numero; 11 & 13

TAURUS

Mag-iiba ang ihip ng hangin maging ang pagtingin mo s akanya. Ito ay dahil sa mga magandang katangian na matutuklasan mo sa kanyang pagkatao kaya naman mas lalo lalalim.ang iyong lihim na pagtingin sa kanya

Masuwerteng numero; 8 & 9

GEMINI

Magnining ang araw na ito para sa inyong dalawa dahil magkakaroon kayo ng time na makapagbonding  Matagal din kayong naging abala sa kanya kanya ninyong trabaho kaya naman sasamantahin ninyo ang pagkakataong ito; 5 & 12

CANCER

Ngayong araw ay mapapawi ang pagtatampo mo sa iyong mahal dahil muli niyang ipaparamdam sa’yo na wala pa ring nagbabago kahit ito ang ipinagpipilitan mo. Patutunayan niya sa’yo na ikaw pa rin ang nag-iisang mahal niya.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LEO

Mapapangiti ka sa oras na nasisulayan  sa iyong newsfeed ang dati  mong karelasyon, Kahit matagal na kayong wala ay hindi mo pa rin nakakalimutan ang magagandang alaala na binuo ninyong dalawa. Pero alam mo na hanggang pag-alala ka na lang. at pareho na kayong naka move on

Masuwerteng numero; 16 & 18

VIRGO

Hindi ka mabibigo sa paghihintay sa kanya dahil sa araw na ito ay darating na rin siya. Magiging masaya at kapana-panabik ang mga susunod na oras para sa inyong dalawa. Mapupuno ito ng pagmamahalan at paglalambingan.

Masuwerteng numero; 34 & 35

LIBRA

Kikiligin ka sa araw na ito dahil sa wakas ay mapapansin ka na rin ng tao na labis mong hinahangaan. Dahil dito ay magiging inspirado ka sa lahat ng gawain nakatuka sayo,

Nasuwerteng numero; 20 & 40

SCORPIO

Ang araw na ito ay igugugol mo sa pag-iisip ng mabuti kung dapat ka na bang bumitaw sa inyong relasyon o patuloy ka pa ring magbubulagbulagan sa kanya. Alam mong kalabisan na kung patatawarin mo din siya

Masuwerteng numero; 28 & 29

SAGITTARIUS

Hindi pa ito ang tamang panahon para magkabalikan kayong dalawa. Kailangan muna ninyong bigyan ng sapat ng oras ang isat isa at alamin ang inyong mga damdamin.masuwerteng numero 14 & 25

CAPRICORN

Kahit halata mo na sa kanyang kilos at pananalita ang pagkagusto niya sa’yo ay hindi mo pa rin siya mapapaamin sa tunay niyang damdamin para sa’yo. Kaya mapapaisip kung ikaw nalang ang aamin,

Masuwerteng numero; 41 & 52

AQUARIUS

Sa araw na ito ay hindi mo maiiwasan na hindi malungkot at makadama ng panibugho sa mga taong may karelasyon. Dahil hanggang ngayon ay zero pa rin ang lovelife mo at walang chance kang nakikita na magustuhan ka rin niya.

Masuwerteng numero; 44 & 63

PISCES

Away bati padin ang takbo ng iyong  pagsasama. Dahil pareho kayong walang palampas sa pagkakamaling magagawa ng isa’t-isa. Imbis kasi na daanin sa magandang usapan ay mas iirala sa inyo ang int ng ulo.

Masuwerteng numero; 27 & 31

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here