Love Horoscope Hunyo 21-2022

329

 ARIES

Ang iyong kinakasama na siyang inaasahan mong tutulong sa’yo ay hindi mo makokontak ngayon. Kaya naman hindi mo maiiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Gagawa ka ng paraan upang masiguro mo na nasa mabuti siya.

Masuwerteng numero; 12 & 14

TAURUS

Iba pa rin ang karisma mo sa iyong ex. Mapapatunayan mo yan ngayon sa muli ninyong pagkikita. Gayunpaman, wala ka ng nararamdaman na anumang espesyal para sa kanya kaya naman deadma ka lang.

Masuwerteng numero; 9 & 27

GEMINI

Hindi ka hihingan ng opinyon o kahit na anong tulong ng iyong mahal kahit pa mahirapan na siya sa kanyang problema. Alam kasi niya ang stress mo sa araw-araw at ayaw na niyang makadagdag pa sa bigat na dinadala mo.

Masuwerteng numero; 30 & 45

CANCER

Ikaw ang higit na nakakakilala sa’yong mahal kaya naman ang malalaman mo tungkol sa kanya sa araw na ito ay hindi mo paniniwalaan. Gayunpaman, hindi mo maitatanggi sa iyong sarili na kahit papa’no ay nag-aalala ka.

Masuwerteng numero; 24 & 34

LEO

Alam mong likas ang kabutihan ng puso ng iyong asawa kaya naman hindi mo siya mapipigilan sa nais niyang gawing pagtulong kahit pa sobra kang nag-aalala para sa kanya. O kahit pa malagay siya sa mahirap na sitwasyon.

Masuwerteng numero; 10 & 20

VIRGO

Hindi mo alintana ang pabor at malasakit ng sarili mong karelasyon dahil malayo ang tingin mo. Kahit kayo ang nagsasama ay nakatanaw ka pa rin sa iba. Mararamdaman niya ngayon ang pagiging malamig mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 2 & 4

LIBRA

Meron kang matutuklasan tungkol sa iyong mahal sa araw na ito. Subalit anuman ang malaman mo ay hindi nito magagawang baguhin o mabawasan man lang ang pagmamahal mo sa kanya. Dahil ang pagmamahal mo ay walang kondisyon.

Masuwerteng numero; 16 & 17

SCORPIO

Ang relasyon nyo ay malalagay sa alanganin dahil sa maling balita na makakarating sa kanya. Pero hindi ka papayag na masira ang inyong pagmamahalan dahil lang sa makakating dila ng mga tsismosang nakapaligid sa inyo.

Masuwerteng numero; 30 & 43

SAGITTARIUS

Magiging malaking bagay para sa ikakabuti ng inyong relasyon ang pagpapakumbaba mo. Kahit pa sino ang nagkamali sa inyong dalawa ay isang nakakahangang hakbang na ang maiisip mong gawin para magkaayos kayo.

Masuwerteng numero; 25 & 29

CAPRICORN

Magiging smooth sailing ang inyong relasyon sa araw na ito. Maaliwalas ang bawat oras na lilipas. Pareho kayong walang iniintindi at aalalahanin sa isa’t-isa. Pnasamantala kayong mapapahinga sa selosan at stress.

Masuwerteng numero; 11 & 15

AQUARIUS

Kahit mayroon ka ng bagong karelasyon ay may parte pa rin sa puso mo ang hahanap sa dati mong mahal. Siya lamang ang makapupuno ng kakulangang iyon. Subalit malabo mo na siyang makita at makasama pa.

Masuwerteng numero; 49 & 50

PISCES

Hindi ka mag-iisa sa mahirap mong sitwasyon dahil sasamahan ka palagi ng iyong mahal. Kahit pa madalas kayong hindi magkasundo maging sa mga walang kwentang bagay ay maaasahan mo pa rin siya.

Masuwerteng numero; 32 & 41