Love Horoscope; Hunyo 2

187

ARIES

Panghihinayangan mo ang pagkakataon na sinayang mo at hindi mo nasabi sa taong lihim mong minamahal ang gusto mong sabihin. Nauumid ang iyong dila at nagtatago ang iyong lakas ng loob kapag nakakausap mo siya.

Masuwerteng numero; 19 & 20

TAURUS

Hindi mo maiiwasan na hindi pagdudahan ang iyong mahal dahil sa kakaiba niyang pagkilos nitong mga nakaraang araw. Lalo na ngayon na mapapansin mo ang hindi makatotohanan niyang paglalambing sa’yo na hindi niya dating ginagawa.

Masuwerteng numero; 35 & 41

GEMINI

Ang gumaganda nyo ng relasyon ay biglang lalabo dahil sa matutuklasan mo sa social media tungkol sa kanya sa araw na ito. Ayaw mo siyang husgahan nang hindi siya nakakausap muna kaugnay ng usaping ito.

Masuwerteng numero; 17 & 19

CANCER

Magiging mabilis lang ang gagawin mong desisyon na pakikipaghiwalay sa kanya sa araw na ito dahil ayaw mong magkaroon pa siya ng pagkakataon na baguhin ang iyong isip. Sawa ka na at pagod ka na sa kanyang mga drama.

Masuwerteng numero; 18 & 24

LEO

Hindi mo maiiwasan na magkaroon ng koneksyon sa isang pamilyadong tao. Masyadong malakas ang kanyang karisma kaya hindi mo siya matatanggihan sa mga pabor na hihilingin niya sa’yo kahit pa alam mong hindi dapat.

Masuwerteng numero; 5 & 13

VIRGO

Ang unaawan nyo na inaasahan mong lalalim pa at mapupunta sa direksyong inaasahan mo ay biglang maglalaho sa araw na ito. Mabibigo ka at magigising ka sa katotohanan na ang lahat ay nasa isip mo lamang.

Masuwerteng numero; 50 & 60

LIBRA

Kikiligin ka sa araw na ito dahil hindi mo inaasahan na makikita mo ang tao na lihim mong hinahangaan. Hindi ka man magkaroon ng pagkakataon na makausap siya ay makukuntento ka na, na masilayan mo man lang siya.

Masuwerteng numero; 35 & 47

SCORPIO

Hindi man aminin sa’yo ng iyong mahal ay mababasa mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan na kanyang dinadala. Kaya naman mag-iisip ka ng paraan kung paano mo siya mapapasaya sa araw na ito na mabigat ang kanyang damdamin.

Masuwerteng numero; 14 & 15

SAGITTARIUS

Kahit na hindi ka sang-ayon sa naging desisyon ng iyong kapareha sa isang mahalagang usapin sa inyong pamilya ay magiging masaya ka na rin para sa kanya. Handa kang suportahan siya kahit pa taliwas ito sa iyong paniniwala.

Masuwerteng numero; 26 & 38

CAPRICORN

Alam mo na maraming hindi nakakaintindi sa iyong asawa dahil sa pabago-bago niyang pag-uugali. Bilang kapareha niya sa buhay ay hindi mo hahayaan na apakan at laitin siya ng ibang tao kaya poprotektahan mo siya.

Masuwerteng numero; 64 & 68

AQUARIUS

Yung akala mo ay wala kang pag-asa sa puso niya, ngayong araw ay mapapatunayan mo na meron pala. Magpaparamdam siya sa’yo at ang ipapahiwatig niyang ito ay magiging sapat na para sa’yo na isiping gusto ka rin niya.

Masuwerteng numero; 2 & 3

PISCES

Hindi na magiging mahalaga sa’yo anuman ang pinagdaanan ng tao na karelasyon mo ngayon. Kaya naman ang maririnig mong sasabihin ng iba tungkol sa kanya sa araw na ito ay ipapasok mo lang sa kanang teynga at ilalabas sa kabila.

Masuwerteng numero; 25 & 39

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here