Love Horoscope Hunyo 14, 2021

627

ARIES

Sa araw na ito ay magpapakatotoo ka na sa iyong kapareha. Hindi mo na pipigilan ang sarili mo sa nais mong sabihin lalo na sa nais mong gawin. Ayaw mo ng pairalin pa ang takot sa iyong dibdib dahil sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 41

TAURUS

Pagkakasunduan nyo ng iyong mahal ang isang desisyon na gagawin tungkol sa inyong negosyo. Pareho kayong aasa na sa pagkakataong ito ay magtatagumpay ang inyong mga plano at ngayon nyo na ito sisimulan.

Masuwerteng numero; 14 & 15

GEMINI

Hindi mo magugustuhan ang salitang bibitawan niya sa’yo kaya naman hindi mo maiiwasan na hindi ipaliwanag ang iyong side. Pero hindi ka niya pakikinggan. Kaya magpapatuloy pa rin ang inyong bangayan.

Masuwerteng numero; 12 & 35

CANCER

Mauuntog ka ngayon sa katotohanan tungkol sa tunay na damdamin sa’yo ng taong labis mong minamahal. Ang tiwalang ibinigay mo sa kanya ay masisira sa isang iglap lang. Malilito ka sa iyong mararamdaman dahil dito.

Masuwerteng numero; 6 & 7

LEO

Sa araw na ito ay malilito ang iyong puso sa kung sino ang dapat mong paniwalaan, ang tao na mahal mo o ang malapit na miyembro ng inyong pamilya na nagmamalasakit sa’yo. Mauubos ang maghapon mo sa kakaiisip.

Masuwerteng numero; 19 & 20

VIRGO

Masosorpresa ka sa gagawing effort ng iyong karelasyon para mapagaan ang loob mo dahil sa iyong mga hinanakit sa mga kamag-anak. Dahil sa kanya ay pansamantala mong makakalimutan ang iyong mga alalahanin.

Masuwerteng numero; 40 & 48

LIBRA

Makakaramdam ka ng pagkadismaya at labis na kalungkutan dahil sa pakiramdam na tila binabalewala ka ng iyong mahal. Yung pakiramdam na balewala sa kanya ang mga suggestions at opinion mo lalo na sa mahalagang bagay para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 24 & 26

SCORPIO

Mahirap magmahal ng tao na hindi makakayang ibalik ang pagmamahal sa’yo. Hindi niya magagawang suklian ang pagmamahal mo kahit gustuhin pa niya dahil may hadlang. Kaya hindi mo na kailangang ipilit pa.

Masuwerteng numero; 15 & 28

SAGITTARIUS

Ikakatuwa mo ang pagpabor sa’yo ng iyong mahal sa pagkakataong ito. Ang akala mo ay hindi ka na niya kakampihan tulad ng dati kontra sa iyong mga in-laws. Ayaw mo naman na makipagkumpetensiya pero parang ganoon ang nangyayari.

Masuwerteng numero; 35 & 46

CAPRICORN

Sa pamamagitan ng social media ay may matutuklasan kang bagay na hindi kanais nais sa iyong karelasyon. Sisirain nito ang magandang araw mo. Buong maghapon at magdamag kang pag-iisipin sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 50 & 62

AQUARIUS

Sa iyong palagay ay hindi ka nagkamali ng tao na pinili mong mahalin. Dahil ngayong araw ay ipaparamdam niya sa’yo kung gaano ka kaespesyal para sa kanya. Mararamdaman mo ang spark sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 3 & 4

PISCES

Isang bagong kakilala ang magpapahirap ng kalooban mo dahil sa estrangherong pakiramdam mo para sa kanya. Hindi mo man ito gustuhin ay mararamdaman mo pa rin lalo na at may pagkakahawig siya sa dati mong mahal.

Masuwerteng numero; 53 & 67

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here