Love Horoscope; Hunyo 12

204

ARIES

Makakaramdam ka ng panlalamig sa iyong kapareha dahil sa sobra niyang kaabalahan sa trabaho. Wala na siyang oras na naibibigay sa’yo kaya naman hindi mo maiiwasan na sumama ang loob at magdamdam sa kanya.

Masuwerteng numero; 46 & 58

TAURUS

Ito ang araw na malalagay sa peligro ang inyong pagsasama dahil na rin sa kapabayaan mo sa inyong relasyon. Ang hindi mo pagbibigay ng halaga sa kanya ang magtutulak para gawin niya ang isang mapanganib na bagay.

Masuwerteng numerol 6 & 7

GEMINI

Mauudlot ang balak ninyong celebration para sa mahalagang okasyon ngayong araw. Ito ay dahil sa kakulangan sa budget kaya naman pipiliin nyo na lang na magkulong sa inyong kuwarto at damhin na lang ang pag-ibig sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 38 & 42

CANCER

Isang tao na may lihim na pagtingin sa’yo ang hindi na makakapagpigil sa kanyang emosyon at sasabihin na niya ang kanyang nararamdaman. Ikakagulat mo ito kaya wala ka pang masasabi at magiging reaction sa ngayon.

Masuwerteng numero; 19 & 20

LEO

Pareho kayong nagtatago ng inyong damdamin kaya pareho kayong mahihirapan na harapin ang isa’t-isa. Ang mangyayari sa araw na ito ay puro pakiramdaman. Walang gustong mauna na magsabi ng tunay na nararamdaman.

Masuwerteng numero; 5 & 15

VIRGO

Bibilis ang tibok ng puso mo dahil makakasama mo siya at makakausap pa. Gayunpaman, wala itong ibig sabihin sa kanya dahil hindi naman kayo pareho ng nararamdaman para sa isa’t-isa kaya iwasan ang umasa.

Masuwerteng numero; 18 & 26

LIBRA

Kahit pa anong gawin mo ay hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat. Hindi mo na maaaring ibalik ang inyong relasyon lalo na ang pagmamahal niya. Mas makakabuti kung pag-aaralan mo na lang magmove on.

Masuwerteng numero; 55 & 67

SCORPIO

Hindi magiging masakit para sa’yo ang inyong paghihiwalay ng landas dahil sanay ka naman na wala siya sa iyong tabi at isa pa ay matagal mo na ring gustong tapusin ang relasyon na meron kayong dalawa dahil hindi na rin kayo magkasundo.

Masuwerteng numero; 67 & 69

SAGITTARIUS

Magiging makulay ang araw na ito para sa inyong dalawa dahil sa bagong libangan na inyong matutuklasan. Sa dami ng hindi ninyo pinagkasunduan sa inyong pagsasama ay dito kayo ngayon magkakasundo.

Masuwerteng numero; 21 & 30

CAPRICORN

Masasagot na ngayon ang mga katanungang bumabagabag sa’yo tungkol sa iyong mahal. Pero hindi lahat ng kasagutang makukuha mo mula sa kanyang kamag-anak ay magugustuhan mo. Ang iba ay magpapasakit ng ulo mo.

Masuwerteng numero; 13 & 14

AQUARIUS

Magtatagumpay ka sa pagpapaamo sa kanya. Madali mo siyang mapapakagat sa iyong mga pain. Pero mag-ingat ka dahil may mga diskarte ang iyong mahal na hindi mo alam at ikakagulat mo pagdating ng oras.

Masuwerteng numero; 7 & 17

PISCES

Ikaw na ang kusang bibitaw sa inyong relasyon kahit masakit sa’yo at hindi bukal sa kalooban mo. Pero kahit mahirapan ka ay mas pipiliin mo na ngayon ang tama kaysa sa mali na magdudulot lamang lagi ng kaba sa’yong dibdib.

Masuwerteng numero; 10 & 21

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here