Love Horoscope Hunyo 11, 2021

622

ARIES

Palagi kang pinagbibigyan ng iyong mahal sa halos lahat ng iyong kagustuhan. Kaya naman ngayong araw ay magpapasya ka na siya naman ang pagbibigyan mo sa isang bagay na alam mong gustong gusto niya.

Masuwerteng numero; 16 & 30

TAURUS

Para kang mamamalikmata ngayong araw. Dahil sa gitna ng iyong pamomroblema ay dadaan sa paningin mo ang iyong mahal na matagal ng yumao. Magiging emosyonal ka dahil dito at magbabalik sa alaala mo ang lahat.

Masuwerteng numero; 23 & 25

GEMINI

Magiging masaya at panatag ang araw na ito para sa inyo ng iyong mahal. Muli mong mararamdaman ang init ng kanyang pagmamahal. Kaya naman ang buong maghapon hanggang sa magdamag ay mapupuno ng lambingan.

Masuwerteng numero; 48 & 49

CANCER

Isang komprontasyon ang magaganap sa pagitan nyo ng iyong kinakasama bago matapos ang maghapong ito. Pero tulad ng dati ay ikaw pa rin ang unang susuko upang hindi na lumala pa ang hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 10 & 11

LEO

Mababalewala ang lahat ng binitawan mong salita sa kanya noong magkagalit pa kayo. Ngayon na maayos na ang lahat sa pagitan nyo ng iyong mahal ay kakainin mo ang lahat ng sinabi mo sa kanya na masasakit.

Masuwerteng numero; 65 & 69

VIRGO

Hindi lahat ng kagustuhan mo ang siyang masusunod. May mga pagkakataon din na kokontrahin ng iyong mahal ang pagdedesisyon. Iyan ang mangyayari ngayon kaya magkakaroon ka ng konting tampo sa kanya.

Masuwerteng numero; 3 & 5

LIBRA

Isa sa mga ex mo ang makaka-krus mo ng landas ngayong araw. Ihanda mo na ang iyong sarili gayundin ang iyong puso dahil ang pagkikitang ito ang magiging dahilan ng muli ninyong pagkakalapit at pagbabalikan.

Masuwerteng numero; 60 & 63

SCORPIO

Ngayong araw ay magiging malinaw na sa’yo ang lahat kung bakit ka iniiwasan ng iyong mahal. Kung nais mo na hindi ka na niya iwasan at mabalik sa dati ang inyong samahan ay kailangan mo munang baguhin ang ayaw niya.

Masuwerteng numero; 11 & 14

SAGITTARIUS

Kahit hindi ka na teenager ay muli mong mararamdaman ang kilig na tulad ng naramdaman mo noong high school ka pa lang. Ang dahilan nito ay isang bagong kakilala na kakikitaan mo ng mga katangiang hinahanap mo.

Masuwerteng numero; 8 & 19

CAPRICORN

May magagawa ka pa para ayusin ang relasyon nyo ng iyong mahal. Ang problema ay wala ka sa mood para ayusin ito. Mas pipiliin mo na magpahinga sa loob ng iyong kuwarto at ubusin ang oras sa social media.

Masuwerteng numero; 7 & 9

AQUARIUS

Wala kang pagsisisihan sa ginawa mong pakikipaghiwalay sa kanya. Para sa’yo ay mas maluwag ka ng makakahinga ngayon at magagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin ngayong malaya ka na sa nakakasakal ninyong relasyon.

Masuwerteng numero; 11 & 12

PISCES

Kahit araw-araw na kayong magkasama at magkausap ay ngayon mo mare-realize na hindi mo pa ganap na kilala ang tao na napili mong mahalin. May mga ugali siya na ngayon mo pa lang makikita sa kanya na tila sadya niyang itinago sa’yo.

Masuwerteng numero; 34 & 44

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here