Love Horoscope Hunyo 10, 2021

596

ARIES

Walang mawawala kung susubukan mong kausapin ang iyong mahal tungkol sa gusto mong mangyari na may kinalaman sa inyong kabuhayan. Handa ka namang tanggapin ang opinyon at suggestion niya kung sakali.

Masuwerteng numero; 16 & 17

TAURUS

Ang pagbabago sa inyong relasyon ay kagustuhan mo mismo. Pero hindi mo inaasahan na ikaw ang mas magiging apektado kaysa sa kanya. Subalit anuman ang naging desisyon mo ay hindi mo na mababawi at wala ka ng magagawa rito.

Masuwerteng numero; 45 & 50

GEMINI

Ni minsan ay hindi ka nagsabi sa karelasyon mo para tulungan ka sa iyong problemang pinansiyal. Ayaw na ayaw mong kaaawaan ka niya tungkol dito. Pero sa pagkakataong ito ay kakailanganin mo talaga ang tulong niya.

Masuwerteng numero; 10 & 15

CANCER

Wala kang planong sabihin sa iyong kapareha ang tunay mong saloobin dahil ayaw mong masaktan siya. Pero madudulas ka at mahihirapan ka ng ilihim pa ito sa kanya. Gayunpaman, sasabihin mo ito sa pinakamaayos na paraan na alam mo.

Masuwerteng numero; 30 & 42

LEO

Tuloy pa rin ang buhay mo kahit wala na siya. Bagamat mahirap para sa’yo na gawin ang everyday routine mo dahil nasanay kang nasa tabi mo siya ay wala kang ibang mapagpipilian kundi gawin pa rin ito.

Masuwerteng numero; 28 & 34

VIRGO

Para sa’yo ay sapat ng mahal mo siya at nasasabi mo ito sa kanya. Pero para sa kanya ay kulang pa ito. Hinihintay niya ang effort mo para sa inyong relasyon kaya nagkakaganyan siya na parang batang nagmamaktol.

Masuwerteng numero; 18 & 23

LIBRA

Maiiwasan nyo naman ang problema sa inyong pagsasama kung matututo lang kayo na magbigayan. Ang nangyayari kasi at patuloy na mangyayari ay nagpapataasan kayo ng pride at nagmamagalingan sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 3 & 6

SCORPIO

Kung ikaw ang papipiliin ay gusto mo na balikan siya at ang masasaya ninyong alaala. Pero tadhana na mismo ang magsasabi sa’yo na wala ka ng babalikan kaya ipagpatuloy mo na lang ang pagmo-move on kaysa muling masaktan,

Masuwerteng numero; 16 & 32

SAGITTARIUS

Hindi pa ito ang oras para sumuko ka sa inyong relasyon. Hangga’t may pagkakataon ay patuloy ka pa ring mag-iisip ng paraan kung paano mo mababago ang isip niya at kung paano mo maaayos ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 14 & 24

CAPRICORN

Hindi mo alam kung ikatutuwa mo o ikakalungkot ang mababalitaan mo tungkol sa iyong ex. Kasalukuyan siyang nagdurusa dahil sa inyong break up. Pero para sa’yo ay kasalanan niya kung bakit ito nangyari.

Masuwerteng numero; 30 & 42

AQUARIUS

Hindi mo pa makikita ang pagkakamali mo sa ngayon dahil patuloy ka pa niyang kukunsintihin sa iyong mga ginagawa. Maiisip mo na kahit nasa tama ka man o mali ay patuloy ka pa ring susuportahan ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 1 & 6

PISCES

May mga bagay talagang mahirap iwasan. Gayundin ang pag-ibig. Kung sa tingin mo ay tunay ang iyong nararamdaman, hinding hindi ka bibitaw kahit na anong mangyari. Iwasan mo lang na ikaw ay makapanakit ng iba dahil dito.

Masuwerteng numero; 15 & 29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here