Love Horoscope; Hulyo 6

215

ARIES

May bagong kakatok sa puso mo. Pero magdadalawang isip ka na papasukin siya. Masyado pang maaga para magdesisyon ka na magmahal muli. Sa halip ay hahayaan mo lang muna siya na mahalin ka nang wala kang ibinibigay na kapalit.

Masuwerteng numero; 18 & 29

TAURUS

Mabibigla ka sa gagawing proposal sa’yo ng iyong mahal. Hindi mo ito inaasahan at higit sa lahat ay hindi ka pa handa kaya maguguluhan ka kung paano mo ito sasabihin sa kanya ng hindi mo masasaktan ang damdamin niya.

Masuwerteng numero; 45 & 50

GEMINI

Sa kabila ng kagipitan sa perang mararanasan ngayon ay hindi mo pa rin makukuhang maging malungkot dahil nasa tabi mo ang iyong mahal at alam mo na ginagawa niya ang lahat ng paraan para masolusyunan ang problema nyo sa pera.

Masuwerteng numero; 25 & 30

CANCER

Malaki ang paniniwala mo na hinding hindi ka pagtataksilan ng iyong mahal kaya kahit na may makarating na hindi magandang balita sa’yo tungkol sa kanyang katapatan ay hindi mo agad ito paniniwalaan.

Masuwerteng numero; 6 & 16

LEO

Mauubos ang pasensya mo sa iyong mahal sa araw na ito. Wala ka sa mood kaya madali ka niyang mapipikon kahit sa maliit na pang-aasar lang. Dahil diyan ay didistansya muna sa’yo sa buong maghapon na ito.

Masuwerteng numero; 15 & 24

VIRGO

Sa araw na ito ay matutuklasan mo na hindi kayo compatible ng iyong kinakasama. May attitude siyang hindi mo magugustuhan dahil ito ang ugali na pinakaaayaw mo sa lahat kaya pag-iisipan mo kung paano siya kakalasan.

Masuwerteng numero; 10 & 13

LIBRA

Kahit na anong grabe ng ayaw nyo ay hindi pa rin ito mauuwi sa hiwalayan. Dahil kayo ang itinakda at kapalaran nyo na samahan ang isa’t-isa hanggang sa pagtanda sa kabila ng mga maliliit at malalaking awayan.

Masuwerteng numero; 38 & 43

SCORPIO

Walang away, tampuhan at okasyon, basta maiisip mo lang na sorpresahin ang iyong mahal. Gusto mo lang na maipadama sa kanya ang pagmamahal mo kahit sa ordinaryong araw lang. Kung pwede mo lang siyang sopresahin araw-araw ay gagawin mo.

Masuwerteng numero; 6 & 15

SAGITTARIUS

Sweetness overload ang mamamagitan sa inyo ngayon ng iyong mahal. Araw ito ng pagbawi sa mga araw na hindi kayo nagkasama at nagkausap. Kaya naman susulitin mo ang araw na ito na magkasama kayo.

Masuwerteng numero; 66 & 68

CAPRICORN

Kahit pa natapos na ang relasyon na matagal ninyong iningatan ay mananatili pa rin ang pagmamahal mo sa kanya. Hindi ito mawawala sa isang iglap. Pero aasa ka na isang araw ay makakalimutan mo rin siya.

Masuwerteng numero; 50 & 62

AQUARIUS

Mawa-wow mali ka sa mensahe na iyong mahal sa social media na akala mo ay para sa’yo. Hindi mo alam kung ikakatuwa o ikakagalit mo ito. Kaya hindi ka muna iimik at pag-iisipan mo muna ang dapat mong reaksyon.

Masuwerteng numero; 11 & 19

PISCES

Sa wakas ay magiging okay ka na rin at matatanggap mo na ang katotohanan na hindi siya ang tao na para sa’yo. Hindi kayo ang para sa isa’t-isa kaya pipiliin mo na lang na dumistansya sa kanya hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 2 & 4

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here