Love Horoscope; Hulyo 4

233

ARIES

Mapapahiya ka sa iyong mahal sa araw na ito dahil magagawa niyang patunayan sa’yo na hindi totoo ang mga ipinaparatang mo sa kanya. Maghaharap siya sa’yo ng mga ebidensya na hindi mo aakalaing kaya niyang iharap sa’yo.

Masuwerteng numero; 15 & 42

TAURUS

Pagsisisihan mo ang naging desisyon mo nitong nakaraang araw. Hindi mo gustong umalis sa inyong tahanan at iwan ang iyong kinakasama pero nagawa mo na at poproblemahin mo naman ngayon kung paano ka makakabalik.

Masuwerteng numero; 18 & 20

GEMINI

Wala kang makikita o mahahanap na rason para makipaghiwalay sa kanya kaya hindi mo alam kung paano mo sasabihin sa kanya na gusto mo ng wakasan ang inyong relasyon dahil lang sa ayaw mo na at na fall out of love ka na.

Masuwerteng numero; 9 & 13

CANCER

Ang bago mong pag-ibig ang siyang magbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon at lakas ng loob para harapin mo ang iyong mga problema sa bahay man o sa trabaho. Siya ang laging magpapaganda ng araw mo.

Masuwerteng numero; 10 & 20

LEO

Medyo hindi maganda ang araw na ito para sa inyo ng iyong mahal. May maliit na komprontasyon na magaganap sa pagitan nyo subalit tatatak ito pareho sa utak nyo dahil magkakasumbatan kayo sa maliliit lang na tulong nyo para sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 25 & 30

VIRGO

Wala ng mas sasaya pa sa tao na mahal din ng kanyang mahal. Ito ngayon ang mararamdaman mo dahil kasama mo at katuwang sa lahat ng bagay ang taong mahal mo na tunay ding nagmamahal sa’yo kahit pa kumontra ang iba.

Masuwerteng numero; 32 & 47

LIBRA

Guguho ang mundo mo dahil mahuhuli mo sa akto ang iyong karelasyon na may karelasyon ding iba. Huli na ay makukuha pa rin niya itong i-deny sa’yo kaya mas doble pa ang sakit na mararamdaman mo dahil sa patuloy niyang pagsisinungaling.

Masuwerteng numero; 7 & 9

SCORPIO

May bago kang makikilala na napakaraming pagkakatulad sa iyong ex. Kaya naman magiging interesado ka na kilalanin pa siyang mabuti. Pero hindi ibig sabihin ay gugustuhin mo na rin siyang ipalit sa iyong ex sa ngayon.

Masuwerteng numero; 18 & 26

SAGITTARIUS

Mangangamoy balikan sa pagitan nyo ng pinakauna mong naging karelasyon. Pero pag-iisipan mo muna itong mabuti. Ayaw mo na kasing magkamali ulit at maulit lang ang mga nangyari noon na napagdaanan nyo na.

Masuwerteng numero; 23 & 24

CAPRICORN

Kasasabikan mo ang pag-uwi ng iyong mahal na dapat ay sa araw na ito. Pero talaga yatang kapag asang-asa ka na sa isang bagay ay hindi agad ito nangyayari. Mauudlot ang kanyang pagdating na labis mong ikakalungkot.

Masuwerteng numero; 45 & 65

AQUARIUS

Mangyayari na ang inaasahan mo. Magpaparamdam sa’yo ang iyong dating asawa at plano talaga niya ang maghabol sa kanyang mga karapatan bilang nauna mong asawa at pinakasalan. Malaking problema ito para sa inyo ng kasalukuyan mong kinakasama.

Masuwerteng numero; 13 & 15

PISCES

Kung ayaw mong ma-fall sa’yo ang tao na hindi mo gusto ay iwasan mo ang magdidikit sa kanya at magpakita ng extra closeness. Maaaring isipin niya na gusto mo rin siya kaya may posibilidad na magtake advantage siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 8 & 9

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here