Love Horoscope; Hulyo 3

149

ARIES

Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Iyan ang mare-realize mo ngayong araw. Marami kang magagandang katangian na maaaring maappreciate ng iba. Wala ka namang mapapala sa kanya.

Masuwerteng numero; 7 & 9

TAURUS

Babalakin mong dalawin ang iyong mahal ngayong araw. Pero bago mangyari ay magbabago ang isip mo dahil maaalala mo na meron ka pa lang mahalagang bagay na kailangang gawin at tapusin ngayong araw.

Masuwerteng numero; 10 & 21

GEMINI

Hindi na magbabago pa ang isip mo. Kahit na ano pa ang sabihin ng iba laban sa iyong kasalukuyang karelasyon ay mananatili ang pagmamahal mo sa kanya. Handa mong patunayan na hindi mo siya bibitawan.

Masuwerteng numero; 54 & 65

CANCER

Ang bawat katagang lumalabas sa bibig mo ay pinahahalagahan ng iyong kapareha kaya naman sikapin mo na maging maingat sa mga salitang bibitawan mo sa kanya dahil maski isang letra ay natatandaan niya.

Masuwerteng numero; 9 & 13

LEO

Maglalambing sa’yo ngayon ang iyong mahal. Ito ay pambawi niya sa mga nagawa niyang kasalanan at ganoon na rin sa kanyang mga pagkukulang sa inyong relasyon. Kaya ngayong araw ay mararamdaman mo ng husto ang pagmamahal niya.

Masuwerteng numero; 35 & 37

VIRGO

Hindi ka pa sapat sa kanya. Iyan ang eksaktong mararamdaman mo ngayon. Labis mong ipagdaramdam ang mga malalaman mo tungkol sa mga pinaggagagawa ng taong minamahal mo ng buong puso at buong katapatan.

Masuwerteng numero; 6 & 9

LIBRA

May magandang mangyayari sa relasyon nyo ngayon na hindi mo inaasahan. Kaya naman ang maghapong ito ay magiging sobrang gaan at aliwalas para sa’yo at para sa kanya. No stress and negative vibes.

Masuwerteng numero; 24 & 25

SCORPIO

Ang plano ninyong pagpapakasal ay malabo pang matuloy. Ngayong araw ay ito ang magiging topic nyo. Sa lahat ng problemang hinaharap nyo ngayon ay saka nyo na lamang iisipin ang paglagay sa tahimik kapag maayos na ang lahat.

Masuwerteng numero; 17 & 19

SAGITTARIUS

Labis kang mag-aalala sa iyong mahal dahil sa kanyang karamdaman. Alam nyo pareho na napakahirap magpa-ospital o magpacheck up man lang sa panahon ngayon kaya mangangamba ka sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Masuwerteng numero; 23 & 27

CAPRICORN

Kung kailan may bago ng nagpapangiti sa’yo ay saka naman muling magpaparamdam ang dati mong pag-ibig. Kahit masaya ka na sa bago mo ay hindi mo pa rin maiiwasan na isipin ang iyong ex dahil sa lalim ng inyong pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 15 & 32

AQUARIUS

Maiipit ka sa dalawang tao na pareho mong minamahal. Wala kang intensyon na lokohin sila pareho. Sadyang pareho mo lang silang gusto at nahihirapan kang magpasya kung sino ang iyong bibitawan at sino ang kakapitan ng mahigpit.

Masuwerteng numero; 56 & 68

PISCES

Magiging mailap pa rin sa’yo ang suwerte pagdating sa pag-ibig. Mananatili ka pa ring single. Sa dinami-rami ng kakilala at kaibigan mo ngayon ay wala isa man sa kanila ang iyong matitipuhan. Sadyang pihikan kasi ang iyong puso.

Masuwerteng numero; 3 & 5

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here