Love Horoscope Hulyo 28, 2021

412

ARIES

Mawawala ang init ng ulo mo dahil sa sopresang hatid ng iyong mahal ngayong araw. Masyado ka na kasing stress sa mga problemang kinakaharap nyo kaya kahit hindi mo birthday ay bibigyan ka niya ng sorpresa.

Masuwerteng numero; 1 & 2

TAURUS

Mag-ingat sa mga salitang binibitawan mo sa iyong mahal. Kahit na hindi siya kumikibo ay nasasaktan pa rin siya sa mga sinasabi mo lalo na kung ito ay may kinalaman sa trabaho mo habang siya ay wala pa ring trabaho.

Masuwerteng numero; 17 & 23

GEMINI

Wala kang dapat alalahanin sa kanya kahit na siya ay nasa malayo. Masyado kang mahal ng iyong karelasyon kaya wala siyang magiging panahon para tumingin sa iba kahit wala ka pa sa paningin niya. Mapapanatag ka na.

Masuwerteng numero; 35 & 54

CANCER

Maninibago ka sa iyong mahal dahil sa pagiging seryoso niya ngayon. Sanay ka na palagi ka niyang binibiro, pinapatawa at hinaharot. Subalit ngayong araw ay mapapansin mo ang kawalan niya ng kibo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 9 & 19

LEO

Magiging komportable ka pa rin sa piling niya kahit pa kinakapos kayo ngayon sa pera. Mas mahalaga sa’yo na nasa tabi mo siya. Alam mong makakaisip kayo ng solusyon ng iyong mahal para matugunan ang inyong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 8 & 88

VIRGO

Kahit masakit sa’yo ay magpapasya ka munang makipagkalas sa iyong mahal alang-alang sa ikatatahimik ng iyong pamilya. Alam mong hindi sila komportable sa kanya at mahalaga sila sa’yo kaya pagbibigyan mo muna sila.

Masuwerteng numero; 11 & 13

LIBRA

Hindi mo ikinakahiya ang pagiging single dahil kahit wala ka pang kapareha sa buhay ay proud ka sa sarili mo na masaya ka at hindi bitter. Mas masuwerte ka pa rin kaysa sa ibang nasa relasyon nga ay nagdurusa naman.

Masuwerteng numero; 25 & 27

SCORPIO

Sa isang iglap ay mawawala ang pagmamahal mo sa isang tao na matagal mo ng hinahangaan dahil sa malalaman mo tungkol sa kanya. Dahil dito ay hindi mo maiiwasan na hindi mabalot ng lungkot sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 5 & 14

SAGITTARIUS

Batid mo na hindi agad maghihilom ang sugat na likha ng pinagdaanan mong relasyon. Pero alam mo rin naman na may paraan upang kahit papa’no ay maibsan ang sakit nito at iyon ang gagawin mo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 20 & 31

CAPRICORN

Dahil sa galing mo sa pagluluto ay may tao na maiimpress sa’yo kaya aalamin niya ang iba pang bagay tungkol sa’yo. Maganda rin naman ang kanyang status sa buhay kaya magiging interesado ka rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 42 & 65

AQUARIUS

Mababaligtad ang pangyayaring inaasahan mo ngayong araw. Sa halip na makapagcelebrate kayo ay pareho kayong hindi makakalabas ng bahay sa magkaibang dahilan kaya pareho rin kayong malulungkot sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 68 & 69

PISCES

Makakatanggap ka ng tawag mula sa iyong mahal. Hindi mo ito inaasahan dahil mayroon kayong hindi pagkakaunawaan. Pero sa halip na matuwa ay paiiralin mo ang katigasan ng iyong loob at hindi muna siya kakausapin.

Masuwerteng numero; 4 & 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here