Love Horoscope Hulyo 27, 2021

720

ARIES

Dahil ang iyong kapareha na mismo ang nagnanais na bumitaw sa inyong relasyon ay hindi mo siya pipigilan. Kahit masakit ito sa’yo ay hahayaan mo siyang piliin kung sinuman ang mas gusto niyang makasama kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 16 & 19

TAURUS

Hindi mo lubos maisip kung saan nanggagaling ang mga kadramahan ng iyong karelasyon. Hindi mo maiintindihan ang kanyang pinaghuhugutan dahil wala ka namang maalala na pinag-awayan nyo ng malala maliban sa mga maliliit na bagay.

Masuwerteng numero; 25 & 34

GEMINI

Minsan mo pang mararanasan na maging masaya sa piling niya. Kaya naman sa araw na ito ay pansamantala mong makakalimutan ang iyong mga problema. Wala kang ibang mararamdaman kundi kasiyahan.

Masuwerteng numero; 8 & 9

CANCER

Muli mong maririnig ang isang kanta na magpapaalala sa’yo sa kanya. Mananariwa sa isip mo ang masasaya at mapapait na alaalang pinagdaanan nyo. Hindi mo maiiwasan na makadama ng lungkot dahil dito.

Masuwerteng numero; 54 & 63

LEO

Hindi mo na kailangang itago pa ang nararamdaman mo para sa kanya dahil sa araw na ito mismo ay malalaman na niya ito mula sa ibang tao. Dahil dito ay maiilang ka ng kausapin o lapitan man lang siya. Hindi ka pa handang ipaalam sa kanya ang damdamin mo.

Masuwerteng numero; 20 & 25

VIRGO

Mabibigo ka sa plano mo na muli siyang paibigin. Ito ay dahil may iba na siyang minamahal. Ang pagsasabi niyang abala siya sa kanyang trabaho at sa iba pang bagay ay alibi niya lamang upang maiwasan ka.

Masuwerteng numero; 12 & 27

LIBRA

Ang pagiging malapit mo sa kanya ang magiging dahilan kung bakit iisipin niya na may gusto ka sa kanya. Kung ayaw mo na ito ang matanim sa kanya ay bawas bawasan mo ang pagiging close mo sa kanya at malambing.

Masuwerteng numero; 68 & 69

SCORPIO

Ang tao na matagal mo ng hinahanap ay matatagpuan mo na ngayon. Bagamat pareho pa kayong malaya ay hindi ka naman makakasiguro kung maibabalik mo pa ang dati ninyong pagmamahalan dahil nakatutok siya sa kanyang career.

Masuwerteng numero; 29 & 30

SAGITTARIUS

Magiging masaya ka sa araw na ito dahil sa dinami rami ng maaari mong makatambal sa dream project mo ay ang tao pa na lihim mong minamahal. Dahil dito ay doble doble rin ang magiging pasasalamat mo sa Diyos.

Masuwerteng numero; 15 & 33

CAPRICORN

May makikita kang hindi magandang attitude sa tao na labis mong hinahangaan kaya naman ang paghanga mo sa kanya ay mauuwi sa pagkainis. Pipiliin mo na pagpahingahin na lang muna ang iyong puso.

Masuwerteng numero; 13 & 21

AQUARIUS

Wala kang masasabi ngayon sa iyong asawa dahil full effort ang ipapakita niya sa’yo sa pagsuporta sa mga ginagawa mo. Kaya naman wala ka ng mahihiling pa at labis din ang magiging pasasalamat mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 77 & 88

PISCES

Ang hindi nyo pagkakaunawaan ngayong araw ay mauuwi sa sumbatan ng mga bagay at pangyayari na matagal ng lumipas sa inyong buhay. Dahil dito ay sasama ng todo ang loob mo sa kanya at ganoon din siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 1 & 3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here