Love Horoscope Hulyo 25, 2021

655

ARIES

Huwag mong maliitin ang kakayahan ng iyong asawa. Ngayong araw ay makikita mo sa iyong harapan kung gaano siya kasigasig na patunayan sa’yo ang kanyang kakayahan. Mamamangha ka sa kanyang ipapakita.

Masuwerteng numero; 15 & 17

TAURUS

Mawa-wow mali ka sa taong makikilala mo ngayon. Aakalain mo na siya na ang tao na hinahanap mo para maging kapareha sa buhay. Pero ngayong araw din ay malalaman mo na hindi pala kayo talo dahil pareho kayo ng kasarian.

Masuwerteng numero; 8 & 23

GEMINI

Magiging epektibo sa’yong asawa ang gagawin mong pagpapaawa para makuha mo ang simpatya niya. Hindi ka magsisisi dahil wala ka naman talagang ginawang masama. Ayaw mo lang madehado sa laban kontra sa iyong mga in-laws.

Masuwerteng numero; 44 & 50

CANCER

Isang bagong tagahanga ang magbibigay sa’yo ng inspirasyon sa mga proyektong balak mong gawin. Ang kanyang kakayahan ay iniisip mong gamitin para maging bahagi ng proyektong nais mong simulan. Isang magandang ideya ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4 & 12

LEO

May mga maririnig ka ngayon na salita mula sa mga kapitbahay laban sa iyong kinakasama. Pero wala kang balak na patulan sila. Sa halip ay pipiliin mo na huwag na lamang itong paratingin sa kanya upang makaiwas sa gulo.

Masuwerteng numero; 18 & 27

VIRGO

Magiging masigla ngayon ang iyong lovelife dahil sa pagdating niya. Babawiin ninyo ang mga nawalang oras sa inyong dalawa mula nang magsimula ang pandemic. Maipapadama mo na sa kanya kung gaano mo siya kamahal.

Masuwerteng numero; 35 & 42

LIBRA

Long distance man ang inyong relasyon ay mananatili pa ring matatag ang inyong pagmamahalan. Hindi ka bibitaw sa kanya lalo na ngayon na alam mong marami pang umaaligid sa kanya kahit kayo na ang magkarelasyon.

Masuwerteng numero; 20 & 25

SCORPIO

Huwag mong ipasa sa iba ang mga katanungan sa pag-ibig na hindi mo masagot. Kung meron kang gustong malaman tungkol sa kanya ay sa kanya mo idirekta ng tanong dahil baka magkamali lang ng sagot ang iba.

Masuwerteng numero; 33 & 38

SAGITTARIUS

Mahihirapan kang pakitunguhan ang iyong biyenan dahil halos lahat ng paniniwala nyo ay magkaiba. Gayunpaman, handa kang gawin ang lahat, mag-adjust kung kinakailangan alang-alang sa iyong mahal na asawa.

Masuwerteng numero; 28 & 31

CAPRICORN

Pag-iisipan mo kung ano ang dapat mong gawin para maayos mo ang mga hindi nyo napagkakasunduan ng iyong karelasyon. Ayaw mo namang mauwi sa wala ang magandang simula ng inyong relasyon kaya isasalba mo ito bago pa tuluyang masira.

Masuwerteng numero; 7 & 15

AQUARIUS

Magbabago ang tingin mo sa pag-ibig. Dahil sa araw na ito ay makikilala mo ang tao na kukuha  ng atensyon mo. May espesyal na bagay kang makikita sa kanyang pagkatao na magiging dahilan ng interes mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 12

PISCES

Yung akala mo ay okay na ulit kayo pero sa isang iglap ay malalaman mo ulit na marami pa pala kayong problema na kailangang ayusin. Mga maliliit na problema lang na akala mo ay hindi makakapekto sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 65 & 68

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here