Love Horoscope; Hulyo 22

1415

ARIES

Marami ka pang mga kailangan na matutunan tungkol sa pag-ibig kaya huwag sunggab ng sunggab. Bago ka magdesisyon ay tiyakin muna ang mga bagay bagay lalo na ang tao na pipiliin mong maging karelasyon.

Masuwerteng numero; 50 & 60

TAURUS

Gagawin mo ang lahat para maibigay sa kanya ang lahat ng kanyang naisin. Kahit mahirapan ka ay walang kwenta sa’yo basta’t maging masaya lang siya. Pero sa araw na ito ay mapapaisip ka kung karapat dapat nga ba siya.

Masuwerteng numero; 16 & 18

GEMINI

May pait na hatid ang pag-alala mo sa inyong nakaraan. Pero hindi mo naman maiiwasan na alalahanin siya at balikan sa isip ang inyong nakalipas dahil sa araw na ito ay malalaman mong muli kayong magkakasama sa trabaho.

Masuwerteng numero; 7 & 24

CANCER

Kahit maiwasan mo man siya ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na magtatagpo ang landas nyo sa huli. Kaya hindi man maging maganda ang mga pagkakataon sa pagitan nyo ngayon ay tatawanan nyo na lang ito sa kinabukasan.

Masuwerteng numero; 18 & 19

LEO

Dahil sa pagmamahal mo sa kanya at sa kagustuhan mo na makita siya ay malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Sadyang hindi maganda ang araw na ito para sa’yo kaya dapat mo ng pag-isipan sa susunod ang iyong mga gagawin.

Masuwerteng numero; 27 & 35

VIRGO

Huwag magpalinlang sa tamis ng kanyang ngiti at mapang-akit niyang mga mata. Walang magandang kahihinatnan kung tatanggapin mo siya sa iyong buhay dahil pag-aari na siyang iba. Buksan ang isip hindi lang ang puso.

Masuwerteng numero; 3 & 9

LIBRA

Mahalagang malaman mo ang tunay na kalagayan ngayon ng iyong mahal. May mabigat siyang pinagdaraanan at ikaw lamang ang tanging makakaintindi sa kanya. Ikaw lang din ang tanging makapagsasalba sa kanya.

Masuwerteng numero; 32 & 45

SCORPIO

Dahil sa pagsisikap mo na maibalik sa dati ang inyong pagsasama, kahit papa’no ay maaayos na ito ngayon. Huwag mainip dahil unti-unti ay babalik din sa dati ang lahat. Kailangan mo lang ipagpatuloy ang iyong tiyaga.

Masuwerteng numero; 12 & 13

SAGITTARIUS

May magandang magaganap sa inyo ngayon ng iyong mahal. Dahil sa mga taong nagbibigay sa inyo ng inspirasyon ay maiisip nyo na rin na lumagay sa tahimik. Pero batid nyo na marami pa kayong aasikasuhin bago maisapinal ito.

Masuwerteng numero; 51 & 76

CAPRICORN

Maging alisto ka sa iyong paligid. Pakiramdaman ang mga tao na may kinalaman sa inyong dalawa ng iyong asawa dahil may magtatangka na sirain ang inyong pagsasama kaya maging mapagmatyag sa mga nakapaligid sa inyo.

Masuwerteng numero; 23 & 32

AQUARIUS

Dahil sa pagmamahal mo sa isang tao ay malaki ang posibilidad na ikaw ay maabuso sa usaping pinansiyal. Hindi man siya ang gumawa nito ay marami namang nakapaligid sa kanya ang may interes sa iyong bulsa.

Masuwerteng numero; 20 & 40

PISCES

Magiging masarap ang tulog mo sa gabi dahil sa mga magagandang pangyayari ngayong umaga. Ngayon mo na lang ulit mararamdaman kung paano kiligin. Sa edad mo ngayon ay labis labis ang mararamdaman mong saya na mararanasan mo pa ito.

Masuwerteng numero; 38 & 57

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here