Love Horoscope; Hulyo 20

393

ARIES

Para sa’yo ay hindi pa ito ang panahon para bumitaw ka sa inyong relasyon. Marami ka pang gustong gawin para mabalik sa pagiging smooth sailing ang takbo nito. Gusto mo pa rin maramdaman ang pagmamahal niya.

Masuwerteng numero; 9 & 10

TAURUS

Sa kabila ng napakarami niyang magandang katangian ay mangingibabaw pa rin ang hindi magandang ugali na makikita mo sa kanya ngayon. Dahil dito ay makakaramdam ka ng pagkatabang pero wala kang balak iwan siya.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Isang bagong pag-ibig ang uusbong sa pagitan mo at ng kasamahan sa trabaho. Pero hindi mo agad kukunsintihin ang sarili tungkol dito. Gusto mo munang makilala siya ng husto bago mo i-push ang pag-ibig na ito.

Masuwerteng numero; 8 & 9

CANCER

Yung akala mo ay mapapatid na ang pisi ng inyong pagmamahalan. Hindi mo ito inaasahan, pero sa araw na ito ay muling mag-iinit ang pagtitinginan nyo dahil sa isang mahalagang kaganapan. Ikatutuwa nyo ito pareho.

Masuwerteng numero; 29 & 30

LEO

Matutuwa ka sa pagbabagong makikita mo sa kanya. Matagal mo na siyang sinasabihan na baguhin ang kanyang istilo sa maraming bagay. At ngayon nga ay makikita mo ang effort niya para unti-untiin ang nais mong pagbabago.

Masuwerteng numero; 47 & 56

VIRGO

Hindi man siya magsalita ay alam mong may nabago sa damdamin niya para sa’yo. Mahahalata mo ito sa kanyang kilos. Hindi mo gustong mangyari ito kaya ngayon pa lang ay gagawa ka na ng paraan upang hindi siya mawala sa’yo.

Masuwerteng numero; 41 & 52

LIBRA

Ngayon mo mapagtatanto na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay hindi mo rin makakayanang tanggapin ang mga ugali niyang hindi katanggap tanggap. Kaya naman pag-iisipan mo kung patuloy mo pa ba siyang mamahalin.

Masuwerteng numero; 4 & 7

SCORPIO

Walang problema sa’yo kahit pa habambuhay kang maging single. Mas pinoproblema mo ang mga tao na pilit kang itinutulak sa isang tao na hindi mo gusto. Ayaw mong makasakit pero ayaw mo rin silang pagbigyan.

Masuwerteng numero; 8 & 18

SAGITTARIUS

Magiging madali na sa’yo ngayon ang magmove on dahil napapalibutan ka ng mga positibong tao. Bagamat masakit pa sa’yo ang nakaraang break up ay hindi mo na ito masyadong maaalintana dahil sa kanila.

Masuwerteng numero; 15 & 20

CAPRICORN

Magugulat ka dahil hindi mo sukat akalain na magagawa kang bitawan ng tao na akala mo ay labis ang pagmamahal sa’yo. At ang mas ikakagulat mo pa ay mababaw lamang ang dahilan niya para iwanan ka. Mahihirapan kang paniwalaan ito.

Masuwerteng numero; 16 & 35

AQUARIUS

Kung ikaw ang masusunod ay ayaw mo na magkalayo kayo ng tao na pinakamamahal mo. Pero wala kang magagawa kung ito ang nais ng tadhana para sa inyo. Magpapatangay ka na lang sa agos ng inyong kapalaran.

Masuwerteng numero; 44 & 48

PISCES

Sa muling pagkakataon ay makakaramdam ka ng kilig. Hindi mo inaasahan na ang magpapadama sa’yo nito ay ang tao na dati mo ng kakilala at nakakasama pero ngayon mo lang mapapansin ang kanyang katangian.

Masuwerteng numero; 14 & 27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here