Love Horoscope; Hulyo 2

186

ARIES

Magkakaroon kayo ng malaking problema ng iyong karelasyon dahil sa gagawin mong desisyon na hindi mo isasangguni sa kanya. Alam mo na ayaw na ayaw niya sa lahat ang nilalampasan mo siya at binabalewala sa pagpapasya.

Masuwerteng numero; 57 & 59

TAURUS

Ikaiirita mo ang hindi pagpaparamdam sa’yo ng iyong mahal kahit pa ikaw na mismo ang magpunta at tumawag sa kanya. Dahil dito ay lalakas ang hinala mo na meron siyang itinatago sa’yo na hindi mo magugustuhan.

Masuwerteng numero; 18 & 23

GEMINI

Magkakaroon kayo ng biglaang lakad ng iyong mahal. Dahil hindi mo ito inaasahan kaya naman hindi mo ito mapaghahandaan. Biglaan at mabilisan lamang na magreresulta ng maganda sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 36 & 45

CANCER

Kahit pigain mo at pilipiting mabuti ang iyong karelasyon ay hindi mo siya mapapaamin sa kalokohan o kasalanan na ginawa niya hangga’t wala kang nairerepresentang ebidensya sa kanya. Dapat mo itong pag-isipan.

Masuwerteng numero; 7 & 9

LEO

Hindi mo kailangang magpadalos dalos. Mas makakabuti kung palilipasin mo na lang muna ang araw na ito at kapag pareho ng malamig ang ulo nyo ng iyong asawa ay saka mo siya kausapin ng maayos tungkol sa inyong problema.

Masuwerteng numero; 5 & 10

VIRGO

Ngayong alam mo na ang tunay na status ng pinakamamahal mo ay kailangan mo ng bigyan ang sarili mo ng pagkakataon na makapag-isip mabuti ng tama. Hindi sa lahat ng oras ay dapat pakinggan ang puso kung malinaw naman na ito ay mali.

Masuwerteng numero; 13 & 23

LIBRA

Ang sikreto na matagal mo ng itinatago sa iyong mahal ay hindi sinasadyang matutuklasan niya ngayon. Wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo dahil hindi ka marunong magkontrol at padalos dalos ka rin ng salita.

Masuwerteng numero; 2 & 3

SCORPIO

Papalpak ang unang attempt nyo na magkita ng tao na matagal mo ng karelasyon online. Hindi pa ito ang takdang panahon para makilala nyo ng personal ang isa’t-isa. Mananatili pa ring sa online lamang ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 11 & 14

SAGITTARIUS

Kahit ayaw mo ay masasaktan mo pa rin ang isang tao na nagmamahal sa’yo. Pero hindi mo naman mapipilit ang sarili mo na ipagpatuloy ang pagpapanggap mo na mahal mo pa rin siya kahit ang totoo ay nanlamig ka na sa kanya.

Masuwerteng numero; 8 & 16

CAPRICORN

Ang tao na makakabangga mo ngayon ay siya ring tao na magpapatibok ng puso mo. Akala mo lang na hindi kayo magkasundo pero somehow ay matutuklasan mo rin ang mga katangian niya na mamahalin mo.

Masuwerteng numero; 43 & 48

AQUARIUS

Ikaw ang magdedesisyon kung sino ang iyong pipiliin na mahalin, pero ang hindi mo alam, tadhana mismo ang nagtatakda nito. Sa oras na kontrahin mo ay problema lang ang idudulot sa’yo at sa huli ay sa kanya ka pa rin babagsak.

Masuwerteng numero; 15 & 26

PISCES

Iwasan mo na ang pagiging masyadong madrama sa buhay dahil hindi ito nakakatulong sa inyong relasyon. Hindi mo lang namamalayan pero unti-unti nitong winawasak ang dati ay masaya ninyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 3 & 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here